Ano ang Mga Elemento ng Kultura

Resulta ng larawan para sa Mga Elemento ng KulturaKung ang mga institusyong panlipunan ay tumutukoy sa mga istru kturang bumubuo sa isang lipunan ang kultura naman ay tumutukoy sa kahulugan at paraan ng pamumuhay ng mga mamamayan sa isang lipunan. Naglalarawan ito sa isang lipunan. Nag iiba ang paglalarawan ng bawat lipunan batay na rin sa kultura nito. Binubuo ang kultura ng mga paniniwala (beliefs), pagpapahalaga (values), norms at simbolo.
Paniniwala (Beliefs) 
Tumutukoy ito sa mga kahulugan at paliwanag tungkol sa pinaniniwalaan at tinatanggap na totoo.
Pagpapahalaga (Values)
Ang pagpapahalaga ay hindi maaaring maihiwalay sa paniniwala ng isang lipunan. Maituturing itong batayan ng isang grupo o ng lipunan sa kabuuan kung ano ang katanggap tanggap at kung ano ang
hindi. Batayan ito kung ano ang tama at mali, maganda at kung ano ang nararapat at hindi nararapat(Mooney, 2011) Bagama’t may iba’t ibang pagpapahalaga ang bawat Paniniwala (Beliefs) Tumutukoy ito sa mga kahulugan at paliwanag tungkol sa pinaniniwalaan at tinatanggap na totoo. Mga Elemento ng Kultura Paniniwala Pagpapahalaga Norms Simbolo Pigura : Mga Elemento ng Kultura 24 lipunan, marami sa pagpapahalaga ay kanilang pinagsasaluhan. Kapag ang isang situwasyon o gawain ay labag sa mga pagpapahalaga, itinuturing ito na isyu o hamong panlipunan.
Norms 
Tumutukoy ito sa mga asal, kilos, o gawi na binuo at nagsisilbing pamantayan sa isang lipunan. Ang mga norm ang nagsisilbing batayan ng mga ugali, aksyon, at pakikitungo ng isang indibid wal sa lipunang kaniyang kinabibilangan. Mauuri ang norms sa folkways at mores. Ang folkways ay ang pangkalahatang batayan ng kilos ng mga tao sa isang grupo o sa isang lipunan sa kabuuan. Sa kabilang banda, ang mores ay tumutukoy sa mas mahigpit na batayan ng pagkilos. Ang paglabag sa mga mores ay magdudulot ng mga legal na parusa (Mooney, 2011) Ang kawalan ng batayan ng pagkilos sa isang lipunan ay maaaring magdulot ng kaguluhan. Halimbawa, ang mga batas trapiko ay inilaan upang magkaroon ng kaayusan at kaligtasan ang mga tao sa lansangan. Batayan ito ng pagkilos ng mga tao. Ang hindi pagsunod sa mga batas na ito ay may kaukulang kaparusahan.
Simbolo (Symbols)
 Ang simbolo ay ang paglalapat ng kahulugan sa isang bagay ng mga taong gumagamit dito. (White, 1949) Kung walang simbolo, walang magaganap na komunikasyon at hindi rin magiging posible ang interaksiyon ng mga tao sa lipunan. Ang mga halimbawa ng simbolo ay wika, mga pagkumpas (gestures), at iba pang bagay na nauunawan ng mga miyembro ng isang lipunan.Halimbawa, isang gawi ng mga Pilipino ang pagmamano. Ang gawing ito ay sumisimbolo sa isang paraan ng pagpapakita ng paggalang ng mga Pilipino sa mga nakatatanda. 
Previous
Previous

Ang Sociological Imagination

Next
Next

Katuturan ng Kultura