
Sa pag aaral ng lipunan, mahalagang pagtuunan din ng pansin ang
kultura. Ayon kina Andersen at Taylor (2007 ang kultura ay isang
kumplikadong sistema ng ugnayan na nagbibigay kahulugan sa paraan ng
pamumuhay ng isang grupong panlipunan o isang lipunan sa kabuuan. Sa
isang lipunan, binibigyang katwiran ng kultura ang maganda sa hindi, ang tama
sa mali at ang mabuti sa masama.
Pinatutunayan din ni Panopio (2007) ang naunang kahulugan ng kultura
sa pamamagitan ng pagsasabing “ito ang kabuuang konseptong sangkap sa
pamumuhay ng mga tao, ang batayan ng kilos at gawi, at ang kabuuang
gawain ng tao”.
Ayon naman kayMooney (2011) ang kultura ay tumutukoy sa
kahulugan at paraan ng pamumuhay na naglalarawan sa isang lipunan.
Samakatuwid ang ginagawa natin sa ating pang raw araw na pamumuhay
mula paggising hanggang bago matulog ay bahagi ng ating kultura.
May
dalawang uri ang kultura. Ito ay ang materyal na kultura at hindi materyal na
kultura.
Materyal
Binubuo ito ng mga
gusali, likhang sining, kagamitan,
at iba pang bagay na nakikita at
nahahawakan at gawa o nilikha
ng tao. (Panopio, 2007) Ang mga
bagay na ito ay may kahulugan at
mahalaga sa pag unawa ng
kultura ng isang lipunan.
Hindi Materyal
Kabilang dito ang batas, gawi, ideya,
paniniwala, at norms ng isang grupo ng tao.
Hindi tulad ng materyal na kultura, hindi ito
nahahawakan subalit ito ay maaaring makita
o maobserbahan. Ito ay bahagi ng pang
araw araw na pamumuhay ng tao at
sistemang panlipunan. (Mooney, 2011)