Ang Sociological Imagination

Resulta ng larawan para sa Ang Sociological ImaginationSa pag aaral ng mga hamon at isyung panlipunan, mahalaga ang pag unawa sa mga istrukturang bumubuo rito maging ang kulturang naglalarawan sa isang lipunan. Mahalaga ring makita ng bawat isa ang kaugnayan ng istrukturang panlipunan at kultura sa pagkakaroon ng mga suliranin at isyung panlipunan. Ayon kay C. Wright Mills (1959), mahalagang malinang ang isang kakayahang makita ang kaugnayan ng mga personal na karanasan ng isang tao at ang lipunang kanyang ginagalawan. Tinawag niya itong Sociological Imagination. Kapag nalinang
sa atin ang abilidad na ito, masusuri natin ang koneksiyon at interseksiyon ng mga isyung personal at isyung panlipunan. Mahalaga rin ito sa pagbibigay ng koneksyon sa mga pangyayari sa ating buhay bilang isang indibiduwal at sa pangkalahatang kaganapan sa lipunang ating ginagalawan. Isang halimbawa nito ang problemang kinakaharap ng mga Pilipino sa usaping pantrapiko lalo na sa Kamaynilaan at mga karatig lugar. Sa simula, maaaring isisi sa tao ang pagiging huli niya sa pagpasok sa paaralan, subalit kung susuriin ang isyung ito, masasabing ang palagiang pagpasok nang huli ay bunga ng malawakang suliraning pantrapiko. Kung gagamitin ang Sociological Imagination, maiuugnay na hindi lamang personal na isyu ang dapat harapin kundi isang isyung panlipunan na nakaaapekto sa isang indibiduwal.
Previous
Previous

Ano ang mga Isyung Personal at mga Isyung Panlipunan

Next
Next

Ano ang Mga Elemento ng Kultura