Mga Patakaran at Programa upang Mapaunlad ang Sektor ng Agrikultura (MGA BATAS TUNGKOL SA SEKTOR NG AGRIKULTURA)
1. Land Registration
Act ng 1902
|
Ito
ay sistemang Torrens sa panahon ng
pananakop ng mga Amerikano na kung saan ang mga titulo ng lupa ay ipinatalang
lahat.
|
|||
2. Public Land
Act ng 1902
|
Nakapaloob dito ang pamamahagi ng mga lupaing pampublilko
sa mga pamilya na nagbubungkal ng lupa. Ang bawat pamilya ay maaaring
magmay-ari ng hindi hihigit sa 16 na ektarya ng lupain.
|
|||
3. Batas Republika
Bilang 1160
|
Nakapaloob dito ang pagtatatag sa National Resettlement and
Rehabilitation Administration (NARRA) na pangunahing nangangasiwa sa
pamamahagi ng mga lupain para sa mga rebeldeng nagbalik loob sa pamahalaan.
Kasama rin sa mga binibigyan nila ay ang mga pamilyang walang lupa.
|
|||
4. Batas
Republika Blg.
1190 ng 1954
|
||||
5. Agricultural Land
Reform
Code
|
Ito ay simula ng isang malawakang reporma sa lupa na
nilagdaan ng dating Pangulong Diosdado Macapagal noong ika-8 ng Agosto
1963. Ayon sa batas na ito, ang mga
nagbubungkal ng lupa ang itinuturing na tunay na may-ari nito. Kabilang din
sa inalis ng batas ang sistemang kasama. Ang pagbili ng pamahalaan sa mga
lupang tinatamnan ng mga magsasaka ay sinimulan. Ang mga lupang ito ay muling ipinagbili sa
mga magsasaka sa paraang hulugan at katulad ng presyong ibinayad ng
pamahalaan sa may-ari ng lupa.
|
|||
6.
Atas ng Pangulo Blg. 2 ng 1972
|
Itinadhana
ng kautusan na isailalim sa reporma sa lupa ang buong Pilipinas noong panahon
ni dating Pangulong Marcos.
|
|||
Kaalinsabay ng Atas ng
Pangulo Blg. 2 ay ipinatutupad ang batas na ito na sinasabing magpapalaya sa
mga magsasaka sa tanikala ng kahirapan at paglilipat sa kanila ng
pagmamay-ari ng lupang sinasaka. Sinakop nito ang lahat ng lupa na tinatamnan
ng palay at mais. Hindi kasama rito
ang malalawak na lupain na tinatamnan ng niyog, tubo, pinya, at iba pang
pananim.
Ang
mga magsasaka ay binigyan ng pagkakataong magmay-ari ng limang ektarya ng
lupa kung walang patubig at tatlong ektaryang lupa kapag may patubig. Ito ay kanilang bubungkalin.
|
||||
8. Batas
Republika Blg.
6657 ng 1988
|
Kilala sa tawag na Comprehensive Agrarian Reform
Law (CARL) na inaprobahan ni dating Pangulong Corazon
Aquino noong ika-10 ng Hunyo, 1988.
Ipinasailalim ng batas na ito ang lahat ng publiko at pribadong lupang
agrikultural. Ito ay nakapaloob sa
Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).
Ipinamamahagi ng batas ang lahat ng lupang agrikultural
anoman ang tanim nito sa mga walang lupang magsasaka. May hangganan ang matitirang lupa sa mga
may-ari ng lupa. Sila ay makapagtitira
ng di hihigit sa limang ektarya ng lupa.
Ang bawat anak ng may-ari ay bibigyan ng tatlong ektarya ng lupa kung
sila mismo ang magsasaka nito.
Ang pamamahagi ng lupa ay isasagawa sa loob ng 10 taon.
Hindi sakop ng CARP ang ginagamit bilang:
•
liwasan at parke
•
mga gubat at reforestration
area
•
mga palaisdaan
•
tanggulang pambansa
•
paaralan
•
simbahan
•
sementeryo
•
templo
•
watershed,
at iba pa
Ang pagbabayad sa lupa ng pamahalaan sa
mga may-ari ay isinasagawa sa iba’t ibang paraan. Maaaring magbayad ng salapi ng ilang
porsiyento at ang ilang bahagi ay sa panagot o bonds ng pamahalaan. Ang
lupaing higit sa 50 ektarya ay binabayaran ng 25% na salapi at 75% ay panagot
o bonds ng pamahalaan. Ang 24-50
ektarya ng lupa ay 30% ng salapi. Ang
natitirang bahagi ay bonds ng
pamahalaan. Isa pang paraan ay
pagbibigay ng kredito sa buwis na binabayaran ng may-ari ng lupa.
|
|||
