Mga Patakaran at Programang Pangkaunlaran sa Sektor ng Agrikultura
Mga Programa at Patakaran Pang kaunlaran ng Gobyerno, para matugununan ang kakulangan sa Sektor ng Agrikultura.
Batay sa CARP 2003,
patuloy na isinasagawa ang sumusunod upang maikatuparan ang nais ng
pamahalaan na maiangat ang kalagayang pangkabuhayan ng mga magsasaka:
ü
Pagtatayo ng bahay-ugnayan para sa mga
magsasaka upang masigurong mayroon suportang maibibigay sa kanila;
ü
Pagtatayo ng gulayan para sa mga magsasaka;
|
||
ü
Pagsisiguro na ang mga anak ng mga magsasaka
ay makapag-aaral kaya itinayo ang Pangulong Diosdado MacapagalAgrarian Reform
Scholarship Program; at
Ang lahat ng mga programa/gawain ay isinaisip at isinulong upang
matiyak ang kaayusan ng mga magsasakang tumanggap ng mga lupa sa pamamagitan
ng reporma sa lupa.
|
||
PANGINGISDA
|
||
Pagtatayo ng mga daungan.
Upang higit na mapadali ang pagdadala sa mga huling isda sa pamilihan
o tahanan, nagsisilbing sentro o bagsakan ng mga ito ang mga daungan. Dahil
dito, nagiging mas madali para sa mga mamamayang maabot ang mga produkto mula
sa mga ito.
|
Philippine
Fisheries Code of 1998. Ito ang itinadhana ng pamahalaan na naglilimita
at naglalayon ng wastong paggamit sa yamang pangisdaan ng Pilipinas.
|
Fishery
research. Ang pananaliksik at
pagtingin sa potensiyal ng teknolohiya tulad ng aquaculture marine resources development, at post-harvest technology ay patuloy na ginagawa upang masiguro ang
pagpaparami at pagpapayaman sa mga yamang-tubig.
|
PAGTOTROSO
|
||
Community
Livelihood
Assistance
Program (CLASP) – paglilipat teknolohiya o pagtuturo sa mga mamamayan ng
wastong paglinang sa mga likas na yaman ng bansa. Halimbawa, ang mangrove farming sa Bohol, plantasyon
ng kawayan sa La Union, at plantasyon ng mga halamang medisinal sa
Penablanca, Cagayan.
|
National
Integrated
Protected
Areas System (NIPAS) – ito ay programa na ang pangunahing layunin ay
maingatan at protektahan ang kagubatan. Ito ay paraan upang mailigtas ang mga
hayop at pananim dito.
|
Sustainable Forest
Management Strategy
– ito ay pamaraan upang matakdaan ang permanente at sukat ng kagubatan. Ito
ay estratehiya ng pamahalaan upang maiwasan ang
suliranin ng squatting, huwad at ilegal na
pagpapatitulo ng lupa at pagpapalit ng gamit sa lupa.
|
