Ang Kahalagahan ng Likas Kayang Paggamit sa Pangingisda at Pagtotroso

maaaring bumuo ng isang pangkat na ang pangunahing adbokasiya ay pangalagaan ang karagatan at iba pang anyong tubig na pangunahing pinagmumulan ng mga yamangtubig, kasama ang mga bakawan kung saan madalas na mangitlog ang mga isda. Kabilang sa mga dapat na mabantayan ay ang paggamit ng mga lambat na masyadong pino, pagbabawal sa pamaraang kayang

Sa isyu ng pagtotroso, mahalagang maipaalam sa bawat Pilipino ang kahalagahan sa pag-iingat ng ating mga kagubatan. Ilan sa mga inisyatibong maaaring gawin ay sa pamamagitan ng pagpapasok sa kurikulum tungkol sa pag-iingat at likaskayang paggamit sa mga produktong mula sa kagubatan. Maaari ding gamitin ang mga social networking sites at media upang maipabatid ang papel ng bawat isa upang mapangalagaan ang mga likas na yaman.
Muling binigyang-diin nina Balitao et al. (2012) na ang pagkakaisa ng mga mamamayan ay isang mahalagang hakbang upang masiguro ang kaligtasan ng ating mga yaman mula sa kabundukan. Kanila ring kinikilala ang kakayahan ng mga katutubo sa pag-aalaga sa kalikasan na nagpasalin-salin na sa maraming henerasyon. Isa sa mga rekomendasyon na kanilang iminungkahi ay ang gampanin ng pamahalaan na makabuo at tunay na maipatupad ang isang polisiya na magpoprotekta sa ating mga kagubatan.

Sa lahat ng ito, inaasahan din na ang mamamayan ay maging kabahagi sa paggamit ng tama at matalino para sa mga susunod na salinlahi ng mga Pilipino. Ayon kay Michael Alessi (2002), ang pagbibigay-karapatan sa mga mamamayan na pangalagaan ang mga natatanging yaman bilang pangunahing pinagmumulan ng kanilang ikinabubuhay ay makapagtutulak sa kanila na ingatan ang mga ito. Dahil kung dito sila kumukuha ng kanilang kita, malaki ang kanilang interes na mapangalagaan ang mga ito.
Previous
Previous

Mga Patakaran at Programa upang Mapaunlad ang Sektor ng Agrikultura (MGA BATAS TUNGKOL SA SEKTOR NG AGRIKULTURA)

Next
Next

Ano ang mga Suliranin sa Sektor ng Agrikultura