GROSS NATIONAL INCOME/Product
Ang Gross National Income (GNI) na dating tinatawag ding Gross National Product ay
tumutukoy sa kabuuang pampamilihang halaga ng mga produkto at serbisyo na nagawa ng
mga mamamayan ng isang bansa. Kalimitang sinusukat ang GNI sa bawat quarter o sa loob
tumutukoy sa kabuuang pampamilihang halaga ng mga produkto at serbisyo na nagawa ng
mga mamamayan ng isang bansa. Kalimitang sinusukat ang GNI sa bawat quarter o sa loob
ng isang taon. Ang GNI ay sinusukat gamit ang salapi ng isang bansa. Para sa
Ang halaga ng mga tapos o nabuong produkto at serbisyo lamang ang isinasama sa
pagkuwenta ng Gross National Income (GNI). Ang mga produktong ito ay sumailalim na sa
pagpoproseso para sa pagkonsumo. Sa pagkuwenta ng GNI, hindi na ibinibilang ang halaga ng hilaw na sangkap sa proseso ng produksiyon upang maiwasan ang duplikasyon sa pagbibilang. Halimbawa, kung ang sinulid ay ibibilang sa GNI at ibibilang din ang damit na
gumamit ng sinulid bilang sangkap, nagpapakita ito na dalawang beses ibinilang ang sinulid.
Kaya naman para ito ay maiwasan, hindi na ibinibilang ang halaga ng sinulid bilang sangkap
sa nabuong produkto. Sa halip isinasama na lamang ang halaga ng sinulid na kasama sa
halaga ng damit.
Hindi rin isinasama sa pagkuwenta ng Gross National Income (GNI) ang mga hindi
pampamilihang gawain, kung wala namang kinikitang salapi ang nagsasagawa nito. Isang
halimbawa nito ang pagtatanim ng gulay sa bakuran na ginagamit sa pagkonsumo ng
pamilya.
Ang mga produktong nabuo mula sa impormal na sektor o underground economy
tulad ng naglalako ng paninda sa kalsada, nagkukumpuni ng mga sirang kasangkapan sa
mga bahay bahay, at nagbebenta ng turon sa tabi ng bangketa ay hindi rin ibinibilang sa
pagkuwenta ng Gross National Income. Ito ay dahil hindi nakarehistro at walang
dokumentong mapagkukunan ng datos ng kanilang gawain upang ang halaga ng kanilang
produksiyon ay masukat. Ang mga produktong segundamano ay hindi rin kabilang sa
pagkuwenta ng Gross National Income dahil isinama na ang halaga nito noong ito ay
bagong gawa pa lamang.
