KAHALAGAHAN NG PAGSUKAT SA PAMBANSANG KITA
Ayon kay Campbell R. McConnell at Stanley Brue sa kanilang Economics Principles,
Problems, and Policies (1999), ang kahalagahan ng pagsukat sa pambansang kita ay ang
sumusunod:
1. Ang sistema ng pagsukat sa pambansang kita ay nakapagbibigay ng ideya tungkol sa antas ng produksiyon ng ekonomiya sa isang partikular na taon at maipaliwanag kung bakit ganito kalaki o kababa ang produksiyon ng bansa.

2. Sa paghahambing ng pambansang kita sa loob ng ilang taon, masusubaybayan natin ang direksiyon na tinatahak ng ating ekonomiya at malalaman kung may
nagaganap na pag-unlad o pagbaba sa kabuuang produksiyon ng bansa.
3. Ang nakalap na impormasyon mula sa pambansang kita ang magiging gabay ng
mga nagpaplano sa ekonomiya upang bumuo ng mga patakaran at polisiya na
makapagpapabuti sa pamumuhay ng mga mamamayan at makapagpapataas sa
economic performance ng bansa.
4. Kung walang sistematikong paraan sa pagsukat ng pambansang kita, haka-haka
lamang ang magiging basehan na walang matibay na batayan. Kung gayon, ang
datos ay hindi kapani-paniwala.
5. Sa pamamagitan ng National Income Accounting, maaaring masukat ang
kalusugan ng ekonomiya.