ANO ANG MGA CONSUMER PROTECTION AGENCIES. Araling Panlipunan 9

Ang sumusunod ay mga ahensiya ng pamahalaan na tumutulong upang
maisulong ang kapakanan ng mga mamimili:
Bureau of Food and Drugs (BFAD) - hinggil sa hinaluan/pinagbabawal/maling etiketa ng gamot, pagkain, pabango, at make-up.
City/Provincial/MunicipalTreasurer - hinggil sa timbang at sukat, madayang
(tampered) timbangan at mapanlinlang na pagsukat.

Department of Trade and Industry (DTI) - hinggil sa paglabag sa batas ng kalakalan
at industriya-maling etiketa ng mga produkto, madaya at mapanlinlang na gawain
ng mga mangangalakal.

Energy Regulatory Commission (ERC) - reklamo laban sa pagbebenta ng di-
wastong sukat o timbang ng mga gasolinahan at mga mangangalakal ng “Liquified
Petroleum Gas.”

Environmental Management Bureau (DENR-EMB) - namamahala sa pangangalaga
sa kapaligiran (polusyon-halimbawa ay pagsalaula sa hangin at tubig).

Fertilizer and Pesticide Authority (FPA) - hinggil sa hinaluan/pinagbabawal/maling
etiketa ng pamatay-insekto at pamatay-salot.

Housing & Land Use Regulatory Board (HLURB) - nangangalaga sa mga bumibili
ng bahay at lupa pati na rin ang mga subdibisyon.

Insurance Commission - hinggil sa hindi pagbabayad ng kabayaran ng seguro

Philippine Overseas Employment Administration (POEA) - reklamo laban sa illegal
recruitment activities.

Professional Regulatory Commission (PRC) - hinggil sa mga hindi matapat na
pagsasagawa ng propesyon kabilang na ang mga accountant, doctor, engineer,
atbp.

Securities & Exchange Commission (SEC) - hinggil sa paglabag sa binagong
Securities Act tulad ng pyramiding na gawain.
Previous
Previous

Ang Klima. Araling Panlipunan 8

Next
Next

ANO ANG LIMANG PANANAGUTAN NG MAMIMILI. Araling Panlipunan 9