ANO ANG LIMANG PANANAGUTAN NG MAMIMILI. Araling Panlipunan 9

Ang Kagawaran ng Kalakalan at Industriya ay nagpalaganap rin ng limang pananagutan ng mga
binabanggit:


1. Mapanuring Kamalayan - ang tungkuling maging listo at mausisa tungkol sa
kung ano ang gamit, halaga, at kalidad ng mga paninda at paglilingkod na ating
ginagamit.

2. Pagkilos - ang tungkuling maipahayag ang ating sarili at kumilos upang makatiyak
sa makatarungang pakikitungo. Kung tayo’y mananatili sa pagwawalang-bahala,
patuloy tayong pagsasamantalahan ng mga mandarayang mangangalakal.

3. Pagmamalasakit na Panlipunan - ang tungkuling alamin kung ano ang ibubunga
ng ating pagkonsumo ng mga kalakal at serbisyo sa ibang mamamayan, lalong-
lalo na ang pangkat ng maliliit o walang kapangyarihan, maging ito ay sa lokal,
pambansa, o pandaigdig na komunidad.


4. Kamalayan sa Kapaligiran - ang tungkuling mabatid ang kahihinatnan ng ating
kapaligiran bunga ng hindi wastong pagkonsumo. Kailangang pangalagaan natin
ang ating likas na kayamanan para sa ating kinabukasan.

5. Pagkakaisa - ang tungkuling magtatag ng samahang mamimili upang magkaroon
ng lakas at kapangyarihang maitaguyod at mapangalagaan ang ating kapakanan.
mamimili. Ang sumusunod ay ang mga pananagutang

Previous
Previous

ANO ANG MGA CONSUMER PROTECTION AGENCIES. Araling Panlipunan 9

Next
Next

ANO ANG MGA KARAPATAN NG MAMIMILI