Ang Klima. Araling Panlipunan 8

Ang daigdig ang tanging planeta sa solar system na kayang makapagpanatili ng buhay. Ang
malaking bahagi ng ating planeta ay may kaaya-ayang atmospera at sapat na sinag ng araw, init at
tubig upang matustusan ang pangangailangan ng mga halaman at hayop sa balat ng lupa.
Mahalaga ang papel ng klima, ang kalagayan o kondisyon ng atmospera sa isang
rehiyon o lugar sa matagal na panahon. Pangunahing salik sa pagkakaiba-iba ng mga
klima sa daigdig ang natatanggap na sinag ng araw ng isang lugar depende sa latitude at gayon
din sa panahon, distansiya mula sa karagatan, at taas mula sa sea level.
Ang mga lugar na malapit sa equator ang nakararanas ng pinakasapat
na sinag ng araw at ulan na nararanasan sa buong daigdig. Dahil dito, maraming
habitat o likas na tahanang nagtataglay ng iba’t ibang species ng halaman at
hayop ang matatagpuan sa mga lugar na ito. Kabilang sa mga ito ay ang mga

rainforest, coral reef, at mangrove swamp. Kapag bihira naman ang pag-ulan at
napakainit ng panahon sa isang pook, tulad ng disyerto, kakaunti ang maaaring
mabuhay na mga halaman at hayop dito. Ganito rin ang maaaring asahan sa
mga lugar na lubhang napakalamig ng panahon.
Previous
Previous

Ang mga Kontinente. Araling Panlipunan 8

Next
Next

ANO ANG MGA CONSUMER PROTECTION AGENCIES. Araling Panlipunan 9