YAMANG TAO NG PILIPINAS
Ang mga nabanggit na yamang likas ay
hindi magiging kapaki-pakinabang kung hindi ito lilinangin at isasailalim sa
prosesong nauukol sa paglikha ng mga produktong pang-industriya at
pangkonsiyumer. Sa puntong ito, nagiging mahalagang salik ng produksiyon ang
tao sapagkat siya ang gumagamit ng lakas at nagpapaunlad sa mga yamang likas.
Kung wala ang mga magsasaka sino ang lilinang ng lupain upang makapagprodyus ng
bigas? Kung wala ang mga mangingisda, sino ang manghuhuli ng isdang inihahain
sa hapag-kainan? Kung wala ang mga minero, ano ang mangyayari sa iba’t ibang
industriyang nangangailangan.
.jpg)