ANG LAKAS-PAGGAWA NG BANSA
Ang labor force o lakas-paggawa ay
tumutukoy sa kabuuang bilang ng manggagawang may edad 15 taon
pataas, kabilang
ang may trabaho, walang trabaho, at naghahanap ng trabaho. Ang labor force participation rate ay
tumutukoy sa ratio ng kabuuang bilang ng mga taong kabilang sa lakas-paggawa
kung ihahambing sa kabuuang populasyon na may gulang na 15 taon pataas.
Ang mga may trabaho o employed ay
tumutukoy sa lahat ng mga may gulang na 15 taon pataas batay sa kanyang huling
kaarawan na naiulat na nagtratrabaho, kabilang na rito ang may trabaho ngunit
wala sa lugar ng trabaho dahil sa karamdaman, nagbakasyon, nagwelga, at iba
pang dahilan. Ang mga walang trabaho o unemployed naman ay tumutukoy sa mga
pansamantalang natanggal sa trabaho, naghahanap ng trabaho, o mga nais
magtrabaho ngunit hindi magkaroon ng oportunidad na makapagtrabaho dahil sa
karamdaman. Samantala, ang mga underemployed ay ang mga may trabaho, ngunit
hindi natutugunan ang kumpletong oras ng paggawa dahil sa sariling kagustuhan o
dahil sa hindi makahanap ng full-time na trabaho.
.jpg)