YAMANG LIKAS NG PILIPINAS


Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang biniyayaan ng masaganang yamang likas, tulad ng mga kagubatan, anyong tubig, anyong lupa, mineral , mga isda, at mga hayop.

Yamang Lupa
Ang Pilipinas ay may kabuuang lawak na 300,000 kilometro kuwadrado o 30 milyong ektarya. Ang
malaking bahagi ng lawak na ito ay saklaw ng Luzon at Mindanao. Mula hilaga patungong timog, ang haba ng Pilipinas ay sumusukat ng halos 1,840 kilometro, mula kanluran patungong silangan, ito naman ay sumusukat ng halos 1,000 kilometro.
Natatakpan ng mga kagubatan ang 18% ng kabuuang lupain ng Pilipinas. Samantala, tinatayang 21% ng lupain ng Pilipinas ay binubuo ng mga kugon at latian, Tinataya naming 35% ang lupaing agricultural na pinagmumulan ng palay, mais, prutas, mga pruduktong nagmumula sa niyog, asukal, tabako, at iba pang produktong agricultural.
Ang Pilipinas ay may 8,120 species ng katutubong halamang namumulaklak, 950 species ng ibon, 240 species ng mammals, at 3,500 species ng mga katutubong puno. Maliban ditto, 3,000 species ng halaman ay sa Pilipinas lamang matatagpuan.


Yamang Mineral
Ang ilan sa mga metalikong reserbang mineral ng Pilipinas ay ginto, chromite, copper, bakal, manganese, at
nickel. Ang Pilipinas ay may malaking suplay ng copper, nickel at bakal. Ang mga ito ay mahalagang pinagkukunang-yaman para sa industriyalisasyon.
Ang Mountain Province at Aroroy, Masbate ang mga pangunahing pinagmumulan ng ginto sa Pilipinas. Samantala, unang nagmina ng bakal sa Angat, Bulacan. Ang copper ay matatagpuan naman sa Negros Occidental, Cebu, Mountain Province, Zambales, at Mindanao. Ang deposito ng chromites a Zambales ay isa sa pinakamalaki sa daigdig.

Yamang Tubig
Ang bansa ay may 220 milyong ektarya ng katubigang teritoryal (territorial waters) kung saan ang 26.6 na
milyong ektarya ay katubigang baybayin (coastal waters) at 193.4 na milyong ektarya ay katubigang karagatan (ocean waters). Ang baybayin ng Pilipinas ay may sukat na 17,460 kilometro samantalang ang kabuuang lawak ng coastal reefs ay nasa 27,000 kilometro kuwadrado. Ang baybaying ito ay sumasaklaw sa 60 lalawigan at halos 1,525 munisipalidad. Ang mga anyong tubig ng bansa ay nagtataglay ng halos 2,500 uri ng mga isda at 488 uri ng mga korales.

Ang ilan sa mahahalagang ilog sa Pilipinas ay ang Cagayan River at Agno River sa Hilagang Luzon; Pampanga River at Angat River sa Gitnang Luzon; Pasig River at Bicol River sa Katimugang Luzon; at Agusan River at Rio Grande de Mindanao sa Mindanao. Ang Pilipinas ay may halos 31,000 ektarya ng ilog.
Previous
Previous

YAMANG TAO NG PILIPINAS

Next
Next

Dep Ed K-12 Curriculum Guide 21st Century Literature from the Philippines and the World Senior High School