MGA PANGANGAILANGAN NG MGA MAMAMAYAN
Maraming pangangailangan ang mga
mamamayan. Bukod sa pagkain, damit, at tirahan, mahalaga rin para sa
isang
lipunan na tugunan ang pangangailangang pangkalusugan ng mga mamamayan. Ang
malulusog na mamamayan ay mahalagang salik tungo sa pambansang kaunlaran.
Nararapat ding ipagkaloob ng pamahalaan ang sapat na edukasyon sa kabataan kung
nais nitong maibaon at maiangat ang antas ng pamumuhay ng mga mamamayan.
Malaking surilanin ang kinakaharap ng
isang bansang may mataas na unemployment rate at mababang sahod ng mga
manggagawa. Ang mga manipestasyon nito ay maaaring mabanaag sa mga bagay na
nagaganap sa lipunan. Ang mga magulang ay nahihirapang mapaaral ang kanilang
mga anak kung kaya maraming kabataan ang napipilitang tumigil sa kanilang
pag-aaral. Gayundin, ang kabataan ay napipilitang maghanapbuhay upang tulungan
ang kanilang pamilya. Nagtratrabaho sila sa kabila ng mababang suweldo at hindi
maaayos na kalagayan sa trabaho.
.jpg)