BALANGKAS NG POPULASYON NG PILIPINAS
Sa ngayon, tinatayang mahigit na sa anim
na bilyong tao ang naninirahan sa daigdig. Bukod ditto, tinatayang
212,970
katao ang nadaragdag sa populasyon ng daigdig bawat araw. Kung tutuusin,
umaabot na mahigit sa 76 milyong katao ang karagdagang kailangang pakainin sa
loob ng isang taon. Sa mabilis na paglaki ng populasyon, nagiging mas mahirap
ang alokasyon upang mapakinabangan ng lahat ang mga pinagkukunang-yaman.
Ang patuloy na paglaki ng populasyon ay
may malaking epekto sa aspektong pangkabuhayan ng isang pook. Maliwanag na
lubhang mabigat ang presyur na iniaatang ng lumalaking populasyon sa mga yamang
likas. Darating kaya ang panahong hindi na nito kayang tustusan ang
pangangailangan ng sangkatauhan?
Ang mga bansang may pinakamalalaking
populasyon sa daigdig ay matatagpuan sa Asya tulad ng China, India, Indonesia,
Pakistan, at Bangladesh. Ayon ito sa 2008 The World Almanac and Books of Facts,
ang Pilipinas ay ikapito sa mga bansang may pinakamalaking populasyon sa buong
mundo.
.jpg)