KONSEPTO NG LIKAS-KAYANG PAGGAMIT
Ang World Conservation Union ay isang
pandaigdigang organisasyon na nagpahayag ng pagkilala na ang kultura,
ekonomiya, at kapakanan ng tao ay nakadepende sa kalikasan. May 181 bansa sa
buong daigdig ang tumugon sa ganitong pagkilala at pagpapahalaga. Pangunahin
layunin nito na mahikayat at matulungan ang iba’t ibang bansa na mapangalagaan ang
kalikasan sa pamamagitan ng likas-kayang paggamit o sustainable use. Ang
likas-kayang paggamit ay tumutukoy sa paggamit ng renewable na yamang likas sa
paraang ang mga ito ay hindi manganganib na maubos.
Layunin ng Likas-Kayang
Paggamit
1. Hikayatin ang paggamit ng mga biological
resource ayon sa kasanayang tradisyon at paniniwala na naaayon sa
konserbasyon at likas-kayang pamamaraan.
2. Suportahan ang lokal na populasyon sa pagpapaunlad at pagsasagawa ng
mga pamamaraan ng konserbasyon sa mga lugar na nababawasan ang biological diversity.
3. Hikayatin ang pakikipagtulungan ng pamahalaan at pribadong sector sa
pagpapaunlad ng mga paraan ng likas-kayang paggamit ng mga biological resource.
4. Ipaloob ang konserbasyon at likas-kayang paggamit ng biological
diversity sa programa, plano, at mga patakaran ng pamahalaan at pribadong
sector.