Kasalanan Ba Ng Government Ang Maliit na Sahod Ng Mga Guro

 


Naniniwala ba kayong kasalanan ng Gobyerno ang maliit na sahod at hindi kasya sa pangangailangan ng inyong pamilya?

Noong una nagmamakaawa tayong makapasok bilang guro sa pampublikong paaralan. At lubos ang ating kasiyahan ng matanggap, dahil tayo ay nagkapera, pwede na nating bilhin ang ating mga pangangailangan, pero hindi tayo nakuntinto, pati mga gusto ay binibili narin natin. Noong una ay simple lang ang buhay natin, pero noong tumagal hindi na tayo makontento sa mga simpleng bagay na mayroon tayo, gusto nating sumabay sa uso kahit hindi kaya ng ating budget, para maipakita lang sa mga tao o kasama nating teacher na kaya rin natin. Madalas na kung ano ang uso at meron ang ibang teacher ay sumasabay tayo. Dumarating sa punto na umuutang tayo para lang may pantustos sa ating luho.

Lumaki ang sweldo ng public school teachers pero hindi sapat, dahil gusto natin ng magandang cellpon, laptop, TV,  at kotse na hindi naman talagang kailangan dahil pwede pa yong dati. Hindi ka natutong mag ipon dahil sa pagpapaliban o paggaya sa iyong mga kasama na hindi rin nag iipon. Labas dito at kain doon tuwing weekend at holidays. Nagkaroon ka ng mga anak na wala sa plano, at hindi mo pinaghandaan ang kanilang kinabukasan, kaya noong ikaw ay magpaaral nabaon kana sa utang. Dagdag pa yong nagkaroon ka ng sakit o maintenace dahil sa stress araw araw.

Ngayon mo nakita na kulang ang iyong sahod para makaraos sa iyong pangangailangan para sa isang buwan. Laging tumataas ang bilihin pero ang sweldo mo ay bihirang tumaas at hindi na sapat sa dami ng kaltas.

Sa tuwing nanonood ka ng TV napapanood at napakikinggan ang mga opisyal ng gobyerno na naglalakihan ang sahod at nagnanakaw sa kaban ng bayan, doon mo napagtanto na karapatan mo ring guminhawa at lumaki ang sahod na kagaya nila.

Nakalimutan natin na minsan nagmamakaawa tayo para merong mapasukan at magkaroon ng pinagkukunan.

Ilagay ang iyong comment sa ibaba tungkol sa paksang ito..



Previous
Previous

Abroad Ba Ang Katuparan Ng Iyong Mga Pangarap

Next
Next

Ang Tunay na Kwentong Nangyari Noong Panahon ni Ferdinand E. Marcos Bilang Pangulo ng Pilipinas