Abroad Ba Ang Katuparan Ng Iyong Mga Pangarap
Abroad ba ang katuparan ng iyong mga pangarap? Paano mo naman pinasisiguruhan na ang pagtira o pagtratrabaho sa abroad ang katuparan ng iyong mga pangarap?
Kadalasan na kakapusan sa pera o mga pangarap ang dahilan kung bakit tayo pupunta sa ibang bansa.
Ang mga taong may mga pangangailan ay kadalasang abroad ang naiisip na sagot sa kanilang. Yong mga may utang, hirap sa kalagayan, walang pampaaral sa mga anak, at may obligasyon sa pamilya ay kadalasang lumalabas ng bansa para maghanap ng mga solusyon sa kanilang problema. Pero kadalasang problema ay maghahanap ka na hindi alam ng mga kasama o kapamilya ang plano at hangad sa paghahanap. Kadalasan ang mga magandang plano ay hindi natutupad kung walang maiiwan na marunong mag magmanage ng pera o resources. Maraming nasisilaw sa pera, at dahil dyan inuuna ang gusto sa halip na pangangailangan kapag nagkaroon pera. Tulad ng pupunta sa abroad para mapag aral ang mga anak at mabigyan ng magandang kinabukasan. Kung ang ama ang mag aabroad, kadalasan hindi kayang e kontrol ng ina ang kanyang mga anak lalo na yong mga lalaki, ganun din sa ama kung siya ang maiiwan mapapabayaan ang mga anak kung siya ay may bisyo o mga barkada, bihira lang yong mga nag aabroad na umuunlad at gumaganda ang buhay kung sila ay may pamilya na.
Ang mga kabataan na gustong mag abroad dahil sa pangarap yumaman ay iilan, pero ito ang pinaka magandang umpisa ng pag aabroad, kaysa lalabas ka na may maiiwang binuong pamilya.