Kahalagahan ng Sektor ng Industriya
Malaki ang paghahangad ng maraming bansa na matamo ang kaunlaran. Karaniwang iniuugnay ang industriyalisasyon sa kaunlaran ng isang bansa. Ito ay alinsunod sa modernization theory ni Walt Rostow batay sa artikulo ni Peter Kasanda na nagsaad na ang kaunlaran ay matatamo kung susundan ang mga dinaraanang na proseso ng mga mauunlad na bansa. Ayon naman sa batayang aklat ng Araling Panlipunan IV nina Balitao et al. (2012) na kanilang hinalaw sa mga kanluraning ekonomista, ang kaunlaran ay maaaring maganap kung magkakaroon ng transpormasyon ang isang lipunan mula sa ‘pagiging rural, agricultural, atrasado, at mapamahiin patungong urban, industriyal, progresibo, at modern’. Ang paniniwalang ito ay naging isang mainit na paksa
sa maraming panig ng mundo dahil sa magkakaibang paniniwala at kalagayan. Ang isang debate tungkol sa teorya ay batay sa hindi magkakaparehong katangian ng mga bansang papaunlad. Ngunit sa anumang kaparaanan, malinaw ang mensahe na ninanais ng bawat bansa, ito ang makamit ang kaunlaran na mayroon ang mayayamang bansa tulad ng Japan, Singapore, Switzerland, at iba pa. Ayon kina Balitao et al. (2012), may kaukulang kahulugan ang konsepto ng industriyalisasyon. “Hindi lamang ito nangangahulugan ng paggamit ng mga makinarya at pag-unlad ng mga industriya. Higit sa lahat, tinutukoy nito ang pagbabagong teknolohikal na sinasabayan ng mga pagbabagong pangkultura, panlipunan, at pansikolohiya. Nagpapakita ito ng pagtanggap ng isang kaayusang teknolohikal sa halip na panatilihin ang isang kaayusang tradisyonal. Pinakatiyak na katibayan ng industriyalisasyon ang pag-ikot ng industriyal na pagawaan. Masasabing may kaunlarang pang industriya kung lubos na napakilos ang lahat ng mga pabrika at may mataas na bahagdan ng mga taong kabilang sa lakas-paggawa.”
Kahinaan ng Sektor ng Industriya
•
PolicyInconsistency. Ang kahinaan ng pamahalaan na magkaroon ng mga polisiyang
susuporta sa pagpapalakas ng industriya ang isa sa mga dahilan sa pagkawala at
pag-iwas ng mga mamumuhunan sa bansa. Nangyari ito sa panahon na ang mga
bansang China at Vietnam ay mayroong murang lakas- paggawa at mas madaling
regulasyon sa pagnenegosyo. Dahil dito, mas maraming mga mamumuhunan ang naging
interesadong magtayo ng kanilang mga negosyo sa dalawang bansa.
•
InadequateInvestment. Ang pamumuhunan ay mahalaga upang malinang ang teknolohiya at
mapalakas ang kasalukuyang industriya. Kung may sapat na kakayahang pinansiyal,
mas madali sa isang bansa na magbago ng negosyo at magpokus sa mga produktong
may mataas na demand. Ngunit dahil sa mababang antas ng pamumuhunan
sa Pilipinas kompara sa mga karatig bansa, naging mahirap para sa mga
negosyante na mapalakas ang teknolohiya o magbago ng mga produktong ginagawa.
Ito ay sa kabila ng pagkakaroon ng mataas na demand sa mga makabagong gadyet sa buong mundo. Nagdulot ito sa
mabagal na pagtaas ng kita mula sa
industriya.
•
MacroeconomicVolatility and Political Instability.
Ang kahinaan ng mga elemento ng makroekonomiks at ang kaguluhang politikal sa
bansa sa iba’t ibang panahon ay nagtulak sa mga lokal at dayuhang mamumuhunan
na huwag magnegosyo sa bansa. Bunga nito ang mababang antas ng pamumuhunan na
nagresulta sa matamlay na industriya at mabuway na ekonomiya.