SHORTAGE AT SURPLUS

Nagaganap ito kung ang quantity demanded at quantity supplied ay parehong 30
piraso ng kendi sa halagang Php3.00. Makikita ang pagtatagpo ng mga kurba ng
demand at supply sa presyong naitakda ng nagbibili at mamimili.
Malinaw na inilahad sa mga panindang kendi na ang pamilihan ay
hindi kaagad nakapagtatakda ng ekwilibriyong presyo. Kadalasan, dumadaan muna
ito sa proseso ng paulit-ulit na transaksiyon ng mamimili at nagbibili bago tuluyang
matukoy ang ekwilibriyong presyo at dami. Ang anumang sitwasyon o kalagayan na
hindi pareho ang quantity demanded at quantity supplied sa isang takdang presyo ay
tinatawag na disekwilibriyo. Ang pamilihan ay maaaring makaranas ng surplus kung
mas marami ang quantity supplied kaysa quantity demanded. Sa kabilang banda, ang
shortage ay nararanasan naman kung ang dami ng demand ay mas malaki kaysa
dami ng supply.

Kapag ang  panindang kendi nasa presyong mas mataas kaysa Php3.00, maraming kendi ang hindi nabibili. Ang dami ng surplus ay nasusukat sa distansiya sa pagitan ng dalawang kurba sa bawat presyo.


Halimbawa, sa presyong Php4.00, 20 piraso ang gustong bilhin ni Maria at 40 piraso
naman ang gustong ibenta ni Corazon. Naipapakita rito ang surplus na 20 kendi.
Nang magdesisyon naman siyang ipagbili sa halagang mas mababa sa tatlong
piso, kakaunti lamang ang kendi na handa at kaya niyang ipagbili samantalang marami
pang kendi ang handang bilhin ni Maria. Ang dami ng shortage ay nasusukat sa
distansiya sa pagitan ng dalawang kurba sa bawat presyo. Halimbawa, sa presyong
Php2.00, 40 piraso ang gustong bilhin ni Maria at 20 piraso lamang ang gustong ibenta
ni Corazon. Naipapakita rito ang shortage na 20 kendi.

Previous
Previous

Facebook Comment box Generator for Blogger Tutorial

Next
Next

PRICE ELASTICITY OF SUPPLY