PRICE ELASTICITY OF SUPPLY

Malaki ang epekto ng pagbabago sa presyo ng mga produkto sa quantity
supplied ng prodyuser. Ang wastong pagtugon sa bahagdan ng pagbabago ng presyo
ay makatutulong sa mga prodyuser upang makaagapay sa naging pagbabago nang
sa gayon ay makuha ang ninanais na kita. Ang pagsukat kung gaano ang pagtugon
ng prodyuser sa bahagdan ng pagbabago ng presyo ay may kinalaman sa konsepto
ng Price Elasticity of Supply.

Ang price elasticity of supply ay ang paraan na ginagamit upang masukat ang
magiging pagtugon ng quantity supplied ng mga prodyuser sa tuwing may pagbabago
sa presyo nito.

Sa bawat isang bahagdan ng pagtaas ng presyo, may mga sitwasyon na mas 
malaki sa isang bahagdan ng pagbabago ng quantity supplied. Ibig sabihin, hindi 
gaanong nakatutugon ang mga prodyuser sa naging pagbabago sa pamilihan ng 
produktong kanilang ibinebenta. Sa kabilang banda, may mga pagkakataon naman na 
mas maliit sa isang bahagdan ng pagbabago ng quantity supplied ng mga prodyuser. 
Ibig sabihin, sa pagbabago ng presyo ay madaling nakatutugon ang mga prodyuser 
sa pagbabago ng presyo.


1. Elastic- Ang supply ay masasabing price elastic kapag mas malaki ang naging bahagdan 
ng pagbabagong quantity supplied kaysa sa bahagdan ng pagbabago ng presyo. 
Ibig sabihin, mas madaling nakatutugon ang mga prodyuser na magbago ng quantity supplied 
sa maikling panahon.

Halimbawa nito ay mga manufactured goods tulad ng tela, damit, 
sapatos, appliances at marami pang iba. Kapag tumaas ang presyo, mas 
mabilis na nakagagawa ng produkto ang mga prodyuser.

2. Inelastic- Ang supply ay masasabing price inelastic kapag mas maliit ang naging bahagdan ng pagtugon ng quantity supplied kaysa sa bahagdan ng pagbabago ng presyo. Samakatwid, anumang 
bahagdan ng pagbabago sa presyo ay magdudulot ng mas maliit na bahagdan ng 
pagbabago sa quantity supplied. Mahabang panahon pa ang kakailanganin ng mga supplier 
upang makatugon sa pagbabago ng demand.

Isang halimbawa nito ay ang mga nagmamay-ari ng mga resort. Hindi kaagad m a k a p a g d a d a g d a g ng supply ng kuwarto o kaya ay swimming pool kahit tumaas ang bayad o renta sa mga 
ito. Mangangailangan ng matagal na panahon ang resort owners bago makatugon sa pagbabago 
ng bayad o renta.

3. Unitary o Unit Elastic- Pareho ang bahagdan ng pagbabago ng presyo sa bahagdan 
ng pagbabago ng quantity supply.

Walang tiyak na halimbawa ang supply na unit elastic.
Previous
Previous

SHORTAGE AT SURPLUS

Next
Next

Teaching Guide for Grade 10 MAPEH, Economics and ICT