PAANO NAWAWASAK ANG KALIKASAN AT NAUUBOS NG MGA YAMANG LIKAS

Dahil sa pagkasira ng kalikasan, lalo na ang mga kagubatan, ang mga pagbaha ay nagiging mas madalas sa
iba’t ibang panig ng bansa sa mga nagdaang panahon. Noong 1990, nagkaroon pagbaha sa Rehiyon 9 at sa Zamboanga del Sur. Noong 1991, ang pagbaha sa Ormoc City sa Leyte ay kumitil sa halos 8,000 katao. Noong 1994, may naitalang siyam na malawakang pagbaha at ang karamihan ay naganap sa Rehiyon 10,11, at 12. Noong 2004, ang mga lalawigan ng Quezon, Aurora, Bulacan, at Nueva Ecija ay nakaranas ng biglaang pagbaha at mga landslide. Sa mga lugar na malawakan ang pagbaha (particular halimbawa sa Samar, Leyte, Camiguin, Surigao, Isabela, at Quezon), matinding pagkasira ng mga kagubatan ang pangunahing dahilan.
Nakalulungkot isiping ang mga natitirang kagubatan sa Pilipinas ay patuloy pa ring winasak ng mga illegal na magtrotroso. Gumagawa ng mga hakbang ang pamahalaan upang mapigilan ang tuluyang pagkasira ng kagubatan. Layunin ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na maprotektahan ang kalikasan mula sa kamay ng mga mapagsamantalang indibidwal at korporasyon.
May20 milyong ektaryang kagubatan ang Pilipinas noong ika-19 na siglo. Subalit sa pagdaan ng panahon, mabilis ang nagging pagkasira at pagkaubos ng mga ito. Sa kabuuang lawak ng lupain ng Pilipinas na 30 milyong ektarya, 18 % na lamang nito o 5.4 milyong ektarya ang natitirang kagubatan.

Matinding suliranin din ang pinsalang idinudulot ng polusyon sa iba’t ibang anyong tubig, particular ang mga dumi, toxins at basurang itinatapon ng mga kabahayan, pabrika, at minahan. Ang mga penomenong tulad ng red tide at fish kill ay mga manipestasyon lamang ng mabilis  na pagkawasak ng yamang tubig.


Ang paggamit ng dinamita, cyanide, at muro-ami sa pangingisda ay mapaminsala sa yamang dagat.
Previous
Previous

KAHALAGAHAN NG PANGANGALAGA NG KALIKASAN

Next
Next

Dep Ed K-12 Curriculum Guide Earth Science