KAHALAGAHAN NG PANGANGALAGA NG KALIKASAN

Ang kalikasan ay may apat na mahalagang tungkuling ginagampanan.

1.       Ang kalikasan ay pinagmumulan ng iba’t ibang pinagkukunang-yaman. Ang mga yamang ito ay maaaring renewable at non-renewable.
2.       Ang kalikasan ay tumutulong na mabawasan ang mga dumi at usok na dulot ng proseso ng produksiyon at pagkonsumo. Isang halimbawa ang absorption ng kagubatan ng carbon dioxide sa hangin.
3.       Ang kalikasan ay tumutugon sa pangangailangan ng tao na magdudulot sa kanya ng kasiyahan. Ang paggamit ng
iba’t ibang yamang likas ay nauukol din sa pagbibigay-kasiyahan sa sangkatauhan.

4.       Ang kalikasan ay nagpapatatag ng sestema ng ekolohiya upang maging kapakipakinabang ito sa tao at sa anumang anyong may buhay na naninirahan dito. Halimbawa, ang mga puno ay tumutulong na protektahan ang lupa laban sa init ng araw.
Previous
Previous

Dep Ed Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 8 Learning Materials

Next
Next

PAANO NAWAWASAK ANG KALIKASAN AT NAUUBOS NG MGA YAMANG LIKAS