MGA BATAS UKOL SA PANGANGALAGA NG PINAGKUKUNANG-YAMAN
Republic Act 7586. Kilala rin bilang National Integrated Protected Areas System Act
of 1992. Ang batas
na ito ay kumikilala sa kritikal na kahalagahan ng
pangangalaga at pagpapanatili sa mga likas na biyolohikal at pisikal na
pagkakaibaiba sa kapaligiran.
Republic Act 7942. Kilala rin bilang Philippine Mining Act of 1995. Itinatakda ng
batas na ito ang pagkilala sa lahat ng yamang mineral na matatagpuan sa mga
lupaing pampubliko at pribado na nasa loob ng hangganan at tanging sonang
ekonomiko ng Pilipinas bilang pag-aari ng Estado.
Republic Act 9003. Ecological Solid Waste Management Act of 2003. Ang mga kinauukulan
ay nagtakda ng iba’t ibang mga pamamaraan upang makolekta at mapagbukod-bukod
ang mga solid waste sa bawa’t barangay.
Republic Act 8749. Philippine Clean Air Act of 1999. Itinataguyod ng Estado ang isang
patakaran upang makamit ang balance sa pagitan ng kaunlaran at pangangalaga ng
kalikasan. Kinikilala ng Estado ang karapatan ng mga mamamayang makalanghap ng
malinis na hangin at magamit nang kasiya-siya ang lakas ng yamang likas.
Presidential Decree 1067. Kilala bilang Water Code of the Philippines ang P.D 1067,
Tinutukoy ng batas na ito ang tubig sa karagatan na nasa hurisdiksiyon ng
Pilipinas. Pangunahing layunin ng batas na maitatag ang batayan sa konserbasyon
ng tubig. Hangarin din na matukoy ang mga karapatan at obligasyon ng mga
gumagamit ng tubig gayundin ang proteksiyon ng mga nasabing karapatan.
Republic Act 9147. Wildlife Resources Conservation and Protection Act. Ang batas na
ito ay naglalaan para sa konserbasyon at proteksiyon ng maiilap na hayop at ng
kanilang tirahan.
·
Konserbasyon at proteksiyon ng
maiilap na hayop at kanilang tirahan upang mapaunlad ang ecological balance at
ecological diversity.
·
Regulasyon sa pangongolekta at
pangangalakal ng maiilap na hayop.
·
Pagsuporta ng mga pag-aaral
tungkol sa konserbasyon ng biological diversity.
Batas Pambansa 7838. Department of Energy Act of 1992. Upang makasiguro na patuloy at
sapat ang suplay ng enerhiya at makatugon sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng
bansa, itinatag ang Department of Energy o DOE. Layunin ng kagawarang ito na
isaayos, subaybayan, at isakatuparan ang mga plano at programa ng pamahalaan na
may kaugnayan sa eksplorasyon, pagpapaunlad, konserbasyon ng enerhiya.
