KAKAPUSAN AT KAKULANGAN
May isang konsepto na palagiang
iniuugnay sa kakapusan. Ito ay ang kakulangan.
Muli, ang kakapusan ay hindi kasapatan
ng pinagkukunang-yaman upang mapunan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao.
Samantala, ang kakulangan (shortage) ay kaganapan kung saan hindi kayang
mapunan ng dami ng malilikhang produkto ang dami ng planong pagkonsumo ng tao.
Pagkakatulad at Pagkakaiba
ng Kakapusan at Kakulangan
Masasabi na may aspekto ng pagkakatulad
ang kakapusan at kakulangan. Pareho silang kumikilala
na may pangangailangan at
kagustuhan ang tao na hindi kayang punan ng ekonomiya. Bukod sa nabanggit, wala
nang pagkakatulad ang dalawa.