Oligopoly

Ang oligopoly ay isang estruktura ng pamilihan na may maliit na bilang ng bahay-kalakal na nagbebenta ng
magkakatulad o magkakaugnay na produkto. Ang pinakaimportanteng katangian ng oligopoly ay ang kakayahan ng bawat bahay-kalakal na maimpluwensiyahan ang presyo ng pamilihan. Halimbawa, ang industriya ng langis sa bansa ay nasa kategorya ng oligopoly. Pinangungunahan ito ng tatlong malalaking kompanya-ang Petron, Shell, at Caltex. Bagama’t may mga bagong bahay-kalakal na pumasok sa industriya tulad ng Fying V, Seaoil, at Unioil, kapansin-pansin na hindi nagkakalayo ang mga presyo nito.
Previous
Previous

Dep Ed Filipino Gabay Pangkurikulum Baitang 1-10

Next
Next

Monopsony