Monopsony

Isa namang pamilihang kaugnay ng monopoly ang monopsony. Ang monopsony ay isang uri ng pamilihan na
isang mamimili lamang ang may lubos na kapangyarihan upang kontrolin ang presyo ng isang pamilihan.

Halimbawa, ang pamahalaan ay itinuturing na isang monopsonist dahil ito lamang ang kumukuha ng serbisyo ng mga sundalo, pulis, bumbero, at mga traffic enforcer ng MMDA. Dahil ang pamahalaan lamang ang tanging kumukuha ng serbisyo ng mga nabanggit, hindi  ito nagkakaloob ng malaking suweldo.
Previous
Previous

Oligopoly

Next
Next

Copyright