Likas na Yaman
Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang biniyayaan ng masaganang yamang likas, tulad ng mga kagubatan, anyong tubig, anyong lupa, mineral, mga isda, at mga hayop. Mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga kagubatan sa aspekto ng pagbabalanse ng atmospera. Sinasabing ang isang ektarya ng kagubatan ay may kapasidad na higupin at linisin ang isang toneladang carbon dioxide sa loob ng isang taon.