Ang Demand at mga salik na nakaaapekto sa pagbabago nito
Ang demand ay tumutukoy sa dami ng produkto na handa(willing) at kayang (able) bilhin ng mamimili sa iba't ibang halaga o presyo.
Mga Salik na nakakaapekto sa pagbabago ng Demand
Mga Salik na nakakaapekto sa pagbabago ng Demand
- Panlasa. Ang pagbabago ng panlasa ng mga mamimili ay may epekto sa kanilang demand. Ang mga bagong produkto ay nakaaapekto sa panlasa ng mga mamimili. Halimbawa, ang paglabas ng CD o compact disc ay lubhang nagpababa sa demand para sa mga cassette tape.
- Kita. Ang pagtaas ng kita ay nagdudulot ng pagtaas ng demand para sa karamihan ng mga produkto. Ang pagbaba naman ng kita ay ang pagbaba rin ng demand para sa karamihan sa mga produkto.
- Presyo sa Kahalili o Kaugnay na Produkto. May epekto sa demand ang presyo ng mga kahalili (substitute) o kaugnay (compliment) na produkto. Ang kahaliling produkto ay yaong maaaring gamitin kapalit ng isang produkto. Halimbawa, ang karne ng manok ay maaaring ihalili sa karne ng baboy. Kapag tumaas ang presyo ng karne ng baboy, tataas ang demand para sa karne ng manok dahil tuwiran itong kahalili para sa karne ng baboy.
- Bilang ng mamimili.Ang malaking populasyon ay nangangahulugan ng maraming pangangailangan para sa mga kalakal at serbisyo. Mas marami ang mamimili kung mas malaki ang populasyon.
- Inaasahan ng mga mamimili. Kung inaasahan ng mga mamimili na tataas ang presyo ng produkto sa hinaharap, daragdagan nila ang bibilhing produkto sa kasalukuyan.
