Panahon ng Metal
Ang unang natutuhang gamitin na metal ng mga sinaunang tao ay tanso o copper. Sa pamamagitan ng pag-iinit ng copper ore gamit ang uling, nakaproseso ang mga unang tao ng metal na tanso. Dahil hindi pa laganap ang pagproseso ng copper ore, ang madalas nilang gawin ay ang mga mamahaling bagay tulad ng alahas at kagamitang pandigma. Una nilang natutuhan ang pagproseso ng copper ore sa Kanlurang Asya.
Sa pamamagitan ng pag-eeksperimento, pinaghalo ang metal na tanso at metal na tin at ang nabuong metal at tinawag na bronze, metal na higit na matibay kaysa tanso. Sa Panahon ng Bronze (5000-1200 B.C.E.), nakalikha sila ng mga kagamitang pansaka at mga kagamitang panlaban o armas na may matalim na bahagi. Sa
China, gumawa sila ng mga gamit na pang-alay sa mga diyos mula sa bronze, gayundin ng mga bariles na gawa rin dito.
China, gumawa sila ng mga gamit na pang-alay sa mga diyos mula sa bronze, gayundin ng mga bariles na gawa rin dito.
Higit na matibay na metal sa bronze at tanso ang iron o bakal. Nadiskubre ng mga Hittite sa Kanlurang Asya ang proseso ng paggawa ng metal na ito. Tinatayang nagsimula ang paggamit ng iron noong 1000 B.C.E. Mapalad ang mga Hittite dahil may minahan sila ng bakal. Dahil sa pagkakatuklas ng bakal, nakagawa sila ng higit na matibay na kagamitang pansaka at panlaban sa mababangis na hayop.
Kung natulungan ko po kayo, paki LIKE at SHARE. Salamat!
Kung natulungan ko po kayo, paki LIKE at SHARE. Salamat!
