Mga Unang Magsasaka sa Asya
Nagsimula ring magsaka ang mga tao sa lambak ng Indus River sa Timog Asya. Karaniwan nilang tanim ay mga cereal at napaamo rin nila ang mga hayop tulad ng baka, baboy, at kalabaw. Nagsimula na rin silang magtanim ng algodon o bulak (cotton) na ngayon ay isang pangunahing produktong pangkalakal ng Timog Asya.Sinasabing sa Timog Silangang Asya unang sinaka ang mga halamang-ugat tulad ng gabi. Dito rin nagsimula ang pagtatanim ng palay na hinihinalang nagsimula sa lugar na madalas bahain. Ang unang
naitalang pagtatanim ng palay ay sa lambak ng Yanktze sa China noong 7000 B.C.E.
Samantala, ang sinaka naman sa hilagang China ay mga cereal tulad ng millet at sorghum. Nagsimula rin silang magtanim ng puno ng mulberry na ang dahon ay siyang ginagawang pagkain ng silkworm. Ang pagtatanim ng punong mulberry ang simula ng industriya ng seda o silk.