Ang Asya sa Sinaunang Panahon: Kanlurang Asya
ANG PAGLITAW NG KATUTUBONG EMPERYO SA MESOPOTAMIA
Ang kasaysayan ng Mesopotamia ay kakikitaan ng pamamayani at pagbagsak ng iba't ibang katutubong kaharian at imperyo. Ilan sa mga ito ay ang Akkadian, Babylonian, Assyrian, Chaldean, Aramean, Lydian, Phoenician, Hebrew, Hittite, at Persian.
Imperyong Akkadian
(circa 2700-2230 B.C.E.)
Pinamunuan ni Sargon I ang mga Akkadian upang salakayin ang iba pang pamayanan sa Mesopotamia. Matatagpuan ang kanilang lupain sa Agade, nasa gitnang Mesopotamia.
Imperyong Babylonian I
(circa 1790-1595 B.C.E)
Ang mga Amorite ay grupong etniko na Semitic din. Ang Babylonia ang ginawa nilang sentro upang mangibabaw sa rehiyon ng Mesopotamia. Sa ilalim ng pamumuno ni Hammurabi, lubos na lumakas at lumawak ang teritoryo ng Imperyong Babylonian noong circa 1790-1595 B.C.E. Ang Assyria, na matatagpuan sa hilagang Mesopotamia, ay nagawa nilang sakupin.
Imperyong Assyrian
(circa 745-612 B.C.E)
Ang mga Assyrian na matatagpuan sa hilagang Mesopotamia ay unti-unting lumakas ang kapangyarihan. Gumamit sila ng dahas sa pagpapalawak ng nasasakupan. Nakaembento ang mga Assyrian ng sandatang yari sa bakal.
Imperyong Chaldean o Babylonian II
(circa 612-539 B.C.E.)
Ang mga grupong Chaldean at Medes ay kapwa nagsanib ng kanilang mga pwersa laban sa mga Assyrian. Simula nang bumagsak ang kapangyarihan ng mga Assyrian, muling naging sentro ng kapangyarihan ang timog Mesopotamia. Sa ilalim ng pamumuno ni Nebuchadnezzar, muling sumigla ang Babylonia at nabawi ang kadakilaan na dating natamo.