Katangiang Pisikal ng Silangang Asya


 Kahit na napakalawak ng lupain ng China, ang malaking bahagdan ng populasyon nito ay naninirahan at nagsisiksikan sa silangang bahagi ng bansa. Ito ay sa kadahilanang ang kanlurang bahagi nito ay mga kabundukan at talampas. Katunayan, ang 80% ng kabuuang lupain ng China ay may ganitong uri ng anyong lupa. Dahil ang ganitong mga lupain ay hindi kaaya ayang pagtamnan, kalat-kalat ang mga pamayanan ditto. Gayundin naman, karamihan sa mga tao rito ay mga nomadikong nagpapastol. Sa kabilang banda, 20% ng China ay patag na lupain, kabilang na ang mga kapatagan sa baybayin at mga lambak. Ang tatlong pinakamahalagang ilog sa pamumuhay ng Tsino ay ang Huang Ho, Yangtze, at Xi Jiang.

Sa kabilang dako, ang Japan ay nahihiwalay sa lupain ng Silangang Asya sa pamamagitan ng Korean Strait at Sea of japan (East Sea naman ang tawag ditto sa Korea). Ang Japan ay binubuo ng apat na malalaking isla
at mahigit 3,000 pang maliliit na pulo. Ang apat na islang ito ay ang Kyushu, Shikoku, Honshu, at Hokkaido. Katulad ng China ang malalaking bahagi ng populasyon ng Japan ay matatagpuan lamang sa maliliit na bahagi ng kanilang bansa.


We are giving FREE Selling and Business Consultation; please click the link below,

We prepare Speech and Messages; please click the link below,
Previous
Previous

Katangiang Pisikal ng Timog Asya

Next
Next

Katangiang Pisikal ng Kanlurang Asya