Katangiang Pisikal ng Kanlurang Asya
Matutunghayan sa Kanlurang Asya ay ang Northern Tier,
Arabian Peninsula, at Fertile Crescent. Saklaw ng Northern Tier ang mga lupain
ng Turkey at Iran na Rehiyon ng Kabundukan at talampas. Sa kanlurang bahagi
nito ay ang Anatolian Plateau na may matabang lupang maaaring tamnan.
Ang Arabian Peninsula naman ay isang malawak na tangway
na pinalibutan ng iba’t ibang anyong tubig. Kabilang sa mga ito ay ang Red Sea,
Arabian Sea, at Peninsula Gulf. Kahit malawak ang lupaing ito, ang Arabian
Peninsula ay nagtataglay lamang ng maliit populasyon. Ito ay sa kadahilanang
salat sa tubig ang lupaing ito sapagkat
ang malaking bahagi nito ay disyerto. Ang mga tao rito ay naninirahan malapit sa
mga oasis.
Ito ay isang lugar sa disyertong
nagtataglay ng matabang lupa at tubig na maaaring makabuhay ng mga halaman at
hayop.
Isa pang bahagi ng kanlurang Asya ay ang tinatawag na
Fertile Crescent. Ang lupaing ito ay nagsisimula sa silangang bahagi ng
Medeterranean patungo sa Tigris-Euprates Rivers hanggang sa Persian Gulf. Ang
lugar na ito ay nagtataglay ng matabang lupa at saganang supply ng tubig. Dahil
ditto, ang lugar na ito ay pinag-uusbungan ng kauna-unahang kabihasnan sa
daigdig, ang Mesopotamia.
RELATED POST:
Katangiang Pisikal ng Asya
Kahalagahan ng Monsoon sa Asya
Katangiang Pisikal ng Timog Asya
Mga Rehiyon sa Asya
Bakit Mahalagang Pag-aralan ang Asya
Katangiang Pisikal ng Silangang Asya
Ang Konsepto ng Asya
Ang Pisikal na Heograpiya ng Asya
Mga Likas na Yaman ng Asya
We are giving FREE Selling and Business Consultation; please
click the link below,
We prepare Speech and Messages; please click the link below,