Katangiang Pisikal ng Hilagang Asya
Ang pagkakaroon ng malawak na damuhan. Ito ay kaiba sa
mga kagubatan sapagkat kakaunti lamang ang mga puno sa mga lupaing ito.
Tinatayang ang sangkapat ng kalupaan ng mundo ay ganitong uri.
Ang Grassland ay nahahati sa tatlong uri: ang steppe,
prairie, at savanna.
Ang steppe ay isang malawak na lupaing nagtataglay ng
damuhang mayroon lamang ugat na mabababaw. Maliit lamang ang mga damuhang
matatagpuan sa ganitong lupain. Ito ay dahil nasa pagitan lang ng 10-30 pulgada
ng ulan ang tinatanggap ng mga disyerto at gubat.
Ang praire naman ay matatagpuan sa hilagang bahagi ng mga
steppe ng Russia at maging sa Manchuria. Ang lupaing ito ay may mga damuhang
mataas na malalalim ang ugat.
Savanna ay lupaing pinagsamang damuhan at kagubatan. Ang
ganitong uri ng lupain ay matatagpuan sa Timog Silangang Asya at Kontinente ng
Africa.
Ang boreal forest o taiga ay isa pang halimbawa ng
lupaing matatagpuan sa Hilagang Asya. Ang salitang taiga ay wikang Russian na
nangangahulugang rocky mountainous terrain. Sa bahagi naman ng Russia
matatagpuan ang tundra, ay hango sa wikang Russian na nangangahulugang tree
less mountain track.
Nasa Hilagang Asya rin and itinuturing na pinakamalalim
na lawa sa mundo, ang Lake Baikal. Ito ay matatagpuan sa katimugang bahagi ng
Siberia. Ito ay lalim na 1,620 metro below sea level.
RELATED POST:
Katangiang Pisikal ng Asya
Kahalagahan ng Monsoon sa Asya
Katangiang Pisikal ng Timog Asya
Mga Rehiyon sa Asya
Bakit Mahalagang Pag-aralan ang Asya
Katangiang Pisikal ng Silangang Asya
Katangiang Pisikal ng Kanlurang Asya
Ang Konsepto ng Asya
Ang Pisikal na Heograpiya ng Asya
Mga Likas na Yaman ng Asya
We are giving FREE Selling and Business Consultation; please
click the link below,
We prepare Speech and Messages; please click the link below,