Bakit Mahalagang Pag-aralan ang Asya?
Ang salitang Asya ay hango sa salitang Aegan na Asu na
nangangahulugang lugar na sinisikatan ng araw, o bukang liwayway.
Mahigit kalahati ng kabuuang populasyon ng daigdig ay
nasa Asya. Sa Asya umusbong ang
pinakamatandang lungsod neolitiko sa daigdig, ang Jericho sa Palestine at Catal
Huyuk sa Turkey. Sa Asya rin matatagpuan ang pinakamatandang kabihasnan gaya ng
Sumer sa Mesopotamia (ngayon ay Iraq); Harappa at Mohenjo-Daro sa Indus
(Pakistan ngayon); at Shang sa China.

Sa Asya rin umusbong ang mga dakilang relihiyon at
pilosopiya gaya ng Judaism, Kristiyanismo, Islam, Buddhism, Hinduism,
Confucianism, Taism, Shinto at iba pa. Matatagpuan sa Asya ang Japan at iba
pang industriyalisadong bansa gaya ng Taiwan, South Korea, at Singapore.
Maipagmamalaki din ang mga arkitekturang matatagpuan sa Asya gaya ng Great Wall
of China, Taj Mahal sa India, Angkor Wat sa Cambodia, templo ng Borobudur sa
Indonesia, at Banaue rice terraces sa Pilipinas.
RELATED POST:
Katangiang Pisikal ng Asya
Kahalagahan ng Monsoon sa Asya
Katangiang Pisikal ng Timog Asya
Mga Rehiyon sa Asya
Katangiang Pisikal ng Silangang Asya
Katangiang Pisikal ng Kanlurang Asya
Ang Konsepto ng Asya
Ang Pisikal na Heograpiya ng Asya
Mga Likas na Yaman ng Asya
We are giving FREE Selling and Business Consultation; please
click the link below,
We prepare Speech and Messages; please click the link below,
http://bitsformovingup.blogspot.com/2012/03/deliver-impressive-speech-and-share.html