Ang Konsepto ng Asya

Ang Pilipinas ay nasa Asya. Mahalagang pag-aralan nating mga Pilipino ang kasaysayan ng mga bansang nasa kontinenteng ating kinabibilangan. Sa pag-aaral ng kasaysayan at kabihasnan ng mga bansang Asyano, inaasahang makakatagpo tayo ng mga dahilan upang maunawaan, maipagmalaki, at maitaguyod natin ang ating pagiging Asyano.

Lokasyon ng Asya
Sa pamamagitan ng pagbibigay ng longitude at latitude ng isang lugar, maaaring matukoy ang lokasyon nito sa mapa. Ang longitude ay ang distansyang angular na natutukoy sa silangan at kanluran ng Prime Meridian. Ito rin ang malaking bilog o great circles na tumatahak mula sa North Pole hangang South Pole.
Ang latitude naman ay mga distansyang angular na natutukoy sa hilaga o timog ng equator o ekwador. Ang equator ay humahati sa globo sa hilaga at timog na hemisphere. Ito rin ay itinakda bilang zero degree latitude.
Ang tiyak na lokasyon ng Asya ay nasa humigit kumulang 10degrees South hanggang 90degrees North latitude at mula naman 11 degrees hanggang 175 degrees East longitude. Samakadwid, ang lawak ng Asya ay umaabot, ng hanggang 164 degrees longitude at hanggang 85 degrees latitude.


Buod


Ang Asya ay may tiyak na hangganan at ito ay binubuo ng limang rehiyon sa kasalukuyan: ang Hilagang Asya, Kanlurang Asya, Timog Asya, Timog Silangang Asya, at Silangang Asya. Bawat rehiyon ay heo-kultural na sona, at ang paghahati ay batay sa heograpiya, kultura, at pag-unlad.

Mahalagang pag-aralan ang kasayasayan ng Asya, mahalagang taglayin ang pananaw na Asian-centric o pananaw na nagbibgay diin sa ambag ng Asya sa sarili nitong kabihasnan at sa kabihasnan ng daigdig sa pangkalahatan.

Ang pinagmulan ng salitang Asya, gaya ng paghihiwalay ng mga Europeo sa kontinente ng asya mula Europa, ay likha lamang ng mga Europeo; gayundin ang mag katawagang Malapit sa Silangan, Gitnang Silangan, at Dulong Silangan, na pawang mga terminolohiyang nilikha mula sa pananaw ng mga Europeo.

Mas mahalagang isaalang-alang ang pananaw ng mga Asyano mismo sa Asya kaysa mapanghusgang pananaw rito ng mga Europeo; ang mga Asyano sina Tenshin, Tagore, Chao Ju Kua, Vivekananda, at Sukarno ay nagkakaisa sa pagsasabing may pagkakapareho ang mga kultura sa Asya at kabilang sa isang kabuuan.

Source: Asya Pagusbong sa Kabihasnan





RELATED POST:



Lokasyon ng Asya
Ang Konsepto ng Asya
Pisikal na Heograpiya ng Asya
Bakit mahalagang pag-aralan ang Asya




We are giving FREE Selling and Business Consultation; please click the link below,

We prepare Speech and Messages; please click the link below,


Previous
Previous

Spice Crop Production, the Prospects and Importance

Next
Next

Harvesting, Post-Harvest Handling, and Marketing