Structure of The Filipino Language
PANTIG (Syllable Structure of Filipino)
- Ang Pantig ay binubuo ng isang salita o bahagi ng isang salita na binibigkas sa pamamagitan ng isang bugso ng tinig. Bawat pantig ay naglalaman ng patinig. Ang katumbas nito sa wikang Ingles ay syllable.
Pormasyon ng Pantig
Ang pagtukoy sa pantig, gayundin sa kayarian nito, ay sa pamamagitan ng paggamit ng simbolong K para sa katinig at P para sa patinig.
Katutubong Pantig
|
Halimbawa
|
P (payak) - binubuo ng patinig lamang
|
a-so, a-nak, i-sip, mag-a-a-ral
|
KP (tambal-una) - una ang katinig
|
ma-ta, te-la, ku-mot
|
PK (tambal-huli) - huli ang katinig
|
it-log, am-bon
|
KPK (kabilaan) - may tambal na katinig sa unahan at sa hulihan
|
suk-li, tin-da, bun-dok, sa-rang-go-la
|
Hiram at Dayuhang Pantig
| |
PKK (patinig-klaster) - isang pantig at dalawang magkasunod na katinig
|
ins-tru-men-to, eks-per-to
|
KKP (klaster-patinig) – dalawang magkasunod na katinig at isang patinig
|
pla-no, gra-sa, bra-so
|
KKPK (klaster-patinig-katinig) - isang kambal katinig sa unahan, isang patinig at isang katinig
|
tren, kwin-tas, prin-si-pe
|
KPKK (katinig-patinig-klaster) - isang katinig, isang patinig, at isang kambal katinig
|
kard, nars, keyk
|
KKPKK (klaster-patinig-klaster) - isang kambal katinig, isang patinig at isa pang kambal katinig
|
tsart, klerk, trans-por-tas-yon
|
KKPKKK – pantig na binubuo ng pantig na may tambal klaster sa unahan at tatlong katinig sa hulian
|
shorts, shirts
|
Klaster/Cluster/Kambal katinig - ay ang magkasunod na dalawa o higit pang katinig na matatagpuan sa loob lamang ng iisang pantig na maaaring sa inisyal o pinal na pusisyon na kung minsan pa ngay matatagpuan sa gitnang pusisyon. Sa madaling sabi, ang klaster o kambal katinig ay pagtatambal ng dalawang katinig na matatagpuan lamang sa isang pantig. Kalimitang nagaganap ang klaster o kambal katinig dahil sa impluwensya ng mga banyagang wika sa ating wika.
Pagpapantig ay paraan ng pagbaha-bahagi ng salita sa mga pantig.
- Kapag may magkasunod na dalawa o higit pang patinig sa pusisyong inisyal, midyal at final na salita ito ay hiwalay na mga patinig.
uupo u–u–po aalis a–a–lis
paano pa–a–no maaga ma–a–ga
noo no–o totoo to–to–o
- Ang magkasunod na katinig sa loob ng isang salita ay pinaghihiwalay, ang una ay kasama sa patinig na sinusundan at ang ikalawa ay sa patinig na kasunod.
tukso tuk–so pinto pin–to
pandak pan–dak buksan buk–san
luksa luk–sa
- Sa hiram na salita, ang magkasunod na katinig ay parehong kasama sa kasunod na patinig.
sobre so–bre pinya pi–nya
pobre po–bre tokwa to–kwa
- Kapag ang una sa tatlong magkakasunod na katinig ay m o n at ang kasunod na dalawa ay alinman sa bl, br, dr, pl, tr, ts, ang unang katinig (m o n) ay sa sinusundang patinig ay kasama at ang huling dalawa ay sa kasunod na patinig.
asambleya a–sam–ble–ya simple sim–ple plantsa plan–tsa
alambre a–lam–bre sentro sen–tro
balandra ba–lan–dra kontra kon–tra
- Kapag may apat na magkakasunod na katinig sa loob ng isang salita, ang unang dalawang katinig ay kasama sa patinig na sinusundan at ang huling dalawa ay sa patinig na kasunod.
ekstradisyon eks–tra–di–syon
eksklusibo eks–klu–si–bo
transkripsyon trans–krip–syon
eksklusibo eks–klu–si–bo
transkripsyon trans–krip–syon
Pantig na Inuulit
- Kapag ang salita ay nagsisimula sa patinig, ang patinig lamang ang inuulit. Nagaganap din ito kahit may panlapi ang salita.
akyat a–ak–yat mag–a–a–lis
ibig i–i–big u–mi–i–big
- Kapag nagsisimula sa kayariang KP ang salita, ang unang pantig lamang ang inuulit. Nagaganap din ito kahit may panlapi ang salitang-ugat.
lakad la–la–kad mag–la–la–kad
balik ba–ba–lik mag–ba–ba–lik
- Kapag nagsisimula ang salita sa [KK] kambal-katinig (consonant cluster), dalawang paraan ang maaaring gamitin. Batay ito sa kinagawian ng nagsasalita o varyant ng paggamit ng wika sa komunidad.
- Inuulit lamang ang unang katinig at patinig
prito pi–pri–tu–hin mag-pi-pri-to
kwento ku–kwen–tu–han mag–ku–kwen–to
- b. Inuulit ang klaster na katinig kasama ang patinig
prito pri–pri–tu–hin mag–pri–pri–to
kwento kwe–kwen–tu–han mag–kwe–kwen–to
SOUND CHANGES (Pagbabago ng Tunog)
Pares Minimal - pares ng mga salitang magkaiba ang kahulugan ngunit magkatulad as bigkas maliban as isang ponema sa magkatulad na posisyon.
Hal: pala – bala tili – pili
Minimal Pair - two linguistic units that differ in a single distinctive feature or constituent.
Ex. seed – deed Tip – lip
Optional Sound Changes
/i/ to /e/
|
mabuti – mabute
|
/o/ to /u/
|
ulo – ulu
|
/ai/ to /ey/
|
kailan – keylan/kelan
|
/au/ to /aw/
|
kaunti – kawnti/konti
|
/ay/ to /ey/
|
may - mey/me
|
/diy/ to /j/
|
diyan – jan
|
/niy/ to /n/
|
niyog – nog
|
/siy/ to /sh/
|
siya – sha
|
/tiy/ to /ch/
|
tiyan – chan
|
/ts/ to /ch/
|
kotse – koche
|
MORPOLOHIYA (Morphology)
Morpolohiya – pag-aaral sa istruktura ng mga salita at ng relasyon into sa iba pang mga salita sa wika.
Morphology – studies words and their different forms and the way they combine in word formation.
Morpema – ang pinakamaliit nay unit ng isang salita na may sariling kahulugan
Morpheme – smallest linguistic unit that carries grammatical and semantic meaning
- Anyo ng Morpema
- Morpemang Ponema
- Morpemang Salitang-Ugat
- Mopemang Panlapi
- Uri ng Morpema
Malayang Morpema – mga salitang may sariling kahulugan name hindi name maaaring hatiin.
Hal. tao, awit
Free morpheme – individual elements that can stand alone within a sentence.
Ex. cat, laugh, look, box
Di-Malayang Morpema – mga yunit na nagkakaroon lamang ng kahulugan kapag ikinakabit sa salita.
Hal. -um, ma-, -han
Bound Morpheme - meaning-bearing units of language such as prefixes and suffixes which are attached to unbound morphemes.
Ex. -s, -es, -d, -ed, -ish, -ly
- Classes of Bound Morpheme
Inflectional Morphemes - modify the grammatical class of words by signaling a change in number, person, gender, tense.
Derivational Morphemes - modify a word according to its lexical and grammatical class. That result in more profound changes in base word.
- Pagbabagong Morpoponemiko
Ang pagbabagong morpoponemiko ay ang anumang pagbabago sa karaniwang anyo ng isang morpema dahil sa impuwensya ng kaligiran nito.
d, l, r, s, t
|
b, p
|
k, g, h, m, n, ng, w, y
i, e, a, o, u
|
pan
man
sin
san
|
pam
mam
sim
sam
|
pang
mang
sing
sang
|
Asimilasyon – Ito ay tumutukoy sa pagbabagong nagaganap sa isang morpema dahil sa impluwensya ng mga katabing tunog.
Asimilasyong parsyal o di – ganap – kung walang ibang pagbabagong naganap sa anyo ng salita maliban sa transpormasyon ng morpemang -ng sa hulihan ng panlapi at nagiging /n/ o /m/ dahil sa kasunod na tunog; pagbabago sa unang morpema.
Hal: pang + bansa = pambansa mang + likha = manlikha
sing + tangkad = sintangkad
Asimilasyong ganap – May nagaganap pang pagbabago sa salita maliban sa alomorp nito. Kadalasan naalis ang unag titik ng salitang-ugat upang lalong madulas ang pagbigkas ng mga salita; pagbabago ng kapwa panlapi at salitang ugat.
Hal: mang + tahi = manahi pang + palo = pamalo
mang + salamin = manalamin
Pagpapalit ng Ponema – Ito’y pagbabagong anyo ng isang ponema na napapalitan sa pagbuo ng isang salita.
- /o/ at /u/
Hal. dugo + an = duguan sino + sino = sinu-sino
bilog + an = bilugan bibo + ng + bibo = bibung-bibo
- /e/ at /i/
Hal. Lalake + ng = lalaking babae + ng = babaing
- /d/ at /r/
Hal. ma + damot = maramot ka + dagat + an = karagatan
- /h/ at /n/
Hal. tawa + han = tawanan kuha + hin = kuhanin
Metatesis/Paglilipat – Pagbabago sa salitang-ugat kung saan ay nagsisimula sa ponemang /l/ o /y/ at ginitlapian ng [-in], nagkakaroon ng pagpapalit posisyon ang mga ponemang /i/ at /n/ at nagiging ni. Sa kalaunan naman ay ang posisiyon ng salitang-ugat ay makikipagpalit sa panalaping [ni-].
Hal: yakap + in = yinakap niyakap
lipad + in = linipad nilipad
Nangyayari rin ang paglilipat sa sumusunod na morpema, ngunit may kinakaltas ding ponema.
Hal. tanim + an = taniman tamnan
atip + an = atipan aptan
Metatesis/Pagbabaliktad (Impormal)
Buong Salita: bata atab kita atik
maganda adnagam bakla alkab
Pantig: kotche tsikot kaliwa wakali
tigas astig kalbo bokal
Pagkakaltas ng Ponema – Kung ang ponemang patinig sa huling pantig ng salitang-ugat ay nawawala sa sandaling ito’y hinunlapian.
Hal: takip + an = takpan laba + han = labhan
sara + han = sarhan dala + hin = dalhin
sara + han = sarhan dala + hin = dalhin
Paglilipat – diin – Nangyayari ang pagbabagong ito kapag naililipat ang diin ng morpema at ito ay nilapian.
Hal: bása + hin = basáhin
ka + sáma + han = kasamahán
larò + an = laruán
Reduplikasyon/Pagsusudlong/Pagdaragdag ng ponema – ito ay pagdaragdag ng isa pang hulapi sa salitang nahulapian na. Nangyayari ito sa paguulit ng salitang ugat.
Hal: alala + -an alalahan + -in alalahanin
totoo + han totohan + in totohanin
pamalo + ma pamamalo
Reduksyon o Pag-aangkop – Nangyayari ang pagbabagong ito kapag pinagsama ang dalawang o tatlong salita upang makabuo ng isang bagong salita.
Hal: tapa + sinangag + itlog = tapsilog ayaw + ko = ayoko
bagong + anyo + buhay = banyuhay hintay + ka = teka
kita + mo = kitam
Nangyayari rin ito sa pamamagitan ng pagpapaikli ng salita kaysa sa orihinal.
Reduksyon o Pagpapaikli
Muntinlupa Munti kaputol utol tol
Amerikano kano
Pagpapalit ng Pantig (Impormal)
Hal: daya joya bakla jokla
asawa jowa lagpak palpak
torpe tyope
Pagdaragdag (Impormal)
Halimbawa: puti isputing malay malaysia
kulong kulongbia (Columbia)
Kumbinasyon (Impormal)
- Pagbabaligtad at Pagdaragdag
hindi dehin dehins wala alaw alaws
hiya yahi dyahi
- Pagpapaikli at Pagdaragdag
Pilipino Pino Pinoy bagito baget bagets
Mestiso Tiso Tisoy
- Pagpapaikli at Pagbabaligtad
pantalon talon lonta sigarilyo siyo yosi
- Panghihiram at Pagpapaikli
dead + malice dedma security sikyo
American + boy amboy
- Panghihiram at Pagdaragdag
dako Dakota get gets
dead dedo in love inlab inlababo
Mga Bahagi ng Pananalita
Lope K. Santos
|
Alfonso O. Santiago
|
|
|
Hindi na isinama ang Pandamdam (interjection; mga salitang nagsasaad ng matinding damdamin) sapagkat ayon sa mga may-akda ng Makabagong Balarila ay maaaring magamit bilang pandamdam ang kahit anong salita kung bibigkasin nga ng may matinding damdamin.
SINTAKSIS (Syntax)
Sintaksis – Ang estruktura ng mga pangungusap na nagsisilbing patnubay sa pagsasabi ng kawastuhan ng pangungusap.
Sintaks – Ang sangay ng linggwistika na nakatuon sa pagbuo ng pangungusap. Pinag-aaralan nito ang pagsasama-sama ng mga salita para makabuo ng isang kaisipang may kompletong diwa.
- Peripheral Words
Ang salita ay maaring kataga, nilapian, salitang-ugat, inuulit-ulit, tambalan at maaaring salitang likha o hiram
Ang kataga ay karaniwang iisahing pantig lamang at walang kahulugang maibibigay nang mag-isa. Ito ay kalimitang makikita sa mga pantukoy, panghalip, pang-abay, pangatnig at pandamdam.
- Kayarian ng mga Salita
Payak - ang salita ay payak kung ito ay salitang-ugat lamang, walang panlapi at walang katambal na ibang salita (Santiago&Tianco)
Hal: ina bata anak ama kapatid
Maylapi – sa pagkakapit ng iba’t ibang uri ng panlapi sa isang salitang-ugat, nakabubuo ng iba’t ibang salita na may kani-kaniyang kahulugan (Ampil,Mendoza & Breva, 2010)
– ang salita ay binubuo ng salitang-ugat at mga panlapi. Ang mga panlapi ay mga katagang idinaragdag sa unahan, sa gitna, o sa hulihan ng mga salitang-ugat. May ibat’ibang uri ng mga panlapi: Unlapi, Gitlapi at Hulapi
Hal. mahusay binasa batuhan
Inuulit – Inuulit ang kabuuan nito o ang isa o higit pang pantig nito
Pag-uulit na Ganap - inuulit ang salitang-ugat
Hal: taon taon- taon
bahay bahay-bahay
araw araw-araw
Pag-uulit na Parsyal o Di-ganap - ang isang salita ay nasa pag-uulit na parsyal kapag ang bahagi lamang ng salitang-ugat ang inuulit
Hal: usok uusok tahimik tahi-tahimik
balita bali-balita Kanta kakanta
Magkahalong Parsyal at Ganap - kapag ito ay nilalapian at inuulit nang buo ang salitang-ugat.
Halimbawa: Sigla masigla-sigla
Saya masaya-saya
Matuto matuto-tuto
Tambalan – ang pagbubuo ng salitang-ugat
– dalawang salitang pinagsasama para makabuo ng isang salita
Tambalang Di-ganap – ang taglay na kahulugan ng bawat dalawang salitang pinagtambal ay hindi mawawala
- Tambalang salitang nanatili ang kahulugan
Halimbawa: asal-hayop kulay-dugo
bahay-ampunan pamatid-uhaw
Tambalang Ganap – ang dalawang salitang pinagtambal ay nakabubuo ng ikatlong kahulugang iba kaysa isinasaad ng mga salitang pinagsama.
- Tambalang salitang nagbibigay ng bagong kahulugan
Halimbawa: bahaghari hampaslupa dalagambukid anakpawis
Peripheral Particles
Ang ingklitik o kataga ay salitang ginagamit sa pagdaragdag ng kahulugan sa mensahe. Maaari ring magamit ang mga ingklitik sa pagbibigay ng iba’t ibang kahulugan sa pangungusap. Tinatawag din itong paningit.
- ba : nagsasaad ng tanong
: used in yes-and-no questions and optionally in other types of questions
- Mayaman ka ba?
Are you rich?
- Kailan (ba) ang birthday mo?
When is your birthday?
- daw, raw : nagpapahiwatig ng pag-ayon sa sabi ng iba
: a reporting particle that expresses that the information in the sentence is second-hand; they say, he said, reportedly, supposedly, etc.
- Malaki raw ang bahay.
They said the house was big. Hinanap daw niya ako.
- Masarap daw ang pagkain doon.
I’ve heard the food there is good.
- din, rin : ginagamit ito kung may katulad ang mga pangngalan sa pangungusap
: too, also; finally, at last
- Mahal din kita.
I love you too.
- Natupad rin ang pangarap ko.
My dream finally came true.
*Ginagamit ang ‘daw’ at ‘din’ kung ang salitang sinundan ay nagtatapos sa katinig.
*Ginagamit ang ‘raw’ at ‘rin’ kung ang salitang sinundan ay nagtatapos sa patinig at malapatinig (w at y)
- ho and po : nagsasaad ng pagpipitagan
: politeness; po being the most respectful.
- Sino ka? (impolite)
Sino po kayo? (polite)
Who are you?
- kahit,man : ginagamit kapag ang tao ay gumagawa o nagbibigay ng kondisyon
: even, even if, even though
- Mayaman man ako, bumibili pa din ako ng mura
Even I'm rich, I still buy cheap things
- Bumibili pa rin ako ng mura kahit na mayaman ako.
Even though I'm rich, I still buy cheap things.
- kasi : nagsasaad ng dahilan
: expresses cause; because
- Nang nagkasakit kasi siya 'di sya nakapunta.
He failed to attend when he got sick.
- Busog pa ako, kasi kakakain ko lang.
I’m still full because I just ate.
- kaya : ginagamit kapag ang nagsasalita ay hindi tiyak; madalas na nakikita sa mga tanong.
: expresses wonder; I wonder; perhaps
- Kaya pala ganun 'yung itsura nya.
Oh! That's why her face is like that.
- Tumawag kaya’ tayo.
Perhaps we should call.
- Sino kaya’ ang mananalo?
Who do you suppose will win?
I wonder who will win.
- lamang (lang): Ang lamang ay pormal na anyo ng kolokyal na anyong lang
: ginagamit kung ang ipinapahayag ng nag-uusap ay isang pangngalan o nag-iisa
: limiting particle; only or just
- Si Ana lang ang maganda sa kanila.
Only Ana is beautiful among them.
- Kahapon lang.
Just yesterday.
- muna : ginagamit kung mayroong dapat unahin
: for now,first, for a minute and yet (in negative sentences).
- Bago ka mag-laro, mag-aral ka muna.
Before you play, you must study first.
- Iyan lang muna.
That’s all for now.
- Huwag ka munang kumain.
Don’t eat yet.
- na : now, already, yet, finally
- Tulog na! (imperative)
Sleep (now)!
- Nakapunta na ako doon.
I (already) have been there. (used in perfective forms)
- Pwede na akong umalis.
I can finally leave.
- naman : used in making contrasts; softens requests; emphasis
- Ito 'yung maliit at heto naman 'yung malaki.
Here is the small one and here is the big one.
- Mahilig si John sa kape, si Mary naman sa tsaa.
John likes coffee, while Mary likes tea.
- nga : indeed; used in affirmations or emphasis. Also softens imperatives
- Pupunta nga ako doon!
I said I will go there!
- Paki-kuha nga ang librong 'yun.
Could you please get that book.
- Oo nga!
Yes indeed!
- pa : nagsasaad na mayroong susunod na salita o bagay
: still, else, in addition, yet
- Hindi pa ako nakapunta doon.
I haven't been there (yet).
- Sino pa ang sasama sa party?
Who else will attend the party?
- pala : ginagamit kung mayroong hindi inaasahan na pangyayari o kaya pagkagulat
: expresses that the speaker has realized or suddenly remembered something; after all (despite what was said or planned before)
- Kaya pala 'di sya nakapunta kasi may sakit sya.
I realized that the reason of his absence is because he was sick.
- Hindi pala kami aalis.
We’re not leaving after all.
- sana : expresses hope; used in conditional sentences.
- Manalo sana ako.
I'm hoping to win.
- tuloy : nagsasaad ng dahilan
: used in cause and effect; as a result; that’s why
- Nagkasakit sya, tuloy hindi sya nakapunta.
He got sick, as a result he failed to attend.
- Tinawag mo kasi siyang baboy, nagalit tuloy.
You called him/her a pig, that’s why he/she got angry.
- yata/ata : ginagamit kapag ang nagsasalita ay hindi sigurado sa kanyang tinutukoy o sinasabi
: expresses uncertainty; probably, perhaps, seems
- Uulan ata?
It seems it will rain?
- Seryoso yata’ siya.
He/she seems to be serious.
- Peripheral Phrase
Parirala – Ito ang tawag sa lipon ng mga salita na walang paksa at panaguri na ginagamit para makabuo ng pangungusap.
Halimbawa: ang hangin
ang mga pulis
mahirap gawin
- Uri Ayon sa Kayarian
Pariralang Pang-ukol - Ito ay binubuo ng pang-ukol at ang layon (pangangalan o panghalip) nito.
Hal: dahil sa iyo, sa paaralan, ukol sa droga, anak ng pusa, hinggil sa telepono
Simuno
|
Ang tungkol sa buhay niya ay huwag na nating pagusapan.
|
Kaganapang Pansimuno
|
Ang ginagawa ng nakararami ay alinsunod sa batas.
|
Di-tuwirang Layon
|
Nagiipon ang mag-asawa para sa kinabukasan ng mga anak.
|
Tuwirang Layon
|
Naguusap ng hinggil sa pagkakaisa ang mga pinuno ng bayan.
|
Panuring (Pang-uri)
|
Siya ay nagtatrabaho sa istasyon ng bus.
|
Panuring (Pang-abay)
|
Namumulot ng basura sa kalsada ang mga batang yagit.
|
Pamuno
|
Ang paksa, ang tungkol sa pista ang pinagtatalunan ng mga prayle.
|
Pariralang Pangngalang-Diwa – binubuo ng pantukoy at pangngalanang diwa (pandiwang may unlaping pag) at layon nito
Hal: pagdiskubre ng liham, pag-alis ng bata, pagdating ng guro, pag-aalsa ng bayan
Simuno
|
Ang pagsasayaw ng Boogie ay nakatutulong upang bumaba ang timbang ng isang tao.
|
Kaganapang Pansimuno
|
Ang gagawin niya ay pagtatahi ng damit ng bata.
|
Layon ng Pang-ukol
|
Nagtatanong siya tungkol sa pagtatanim ng Rosas.
|
Layon ng Pandiwa/Tuwirang Layon
|
Ang mga guro ay nagbawal ng pag-uusap ng mag-aaral sa loob ng klase.
|
Pamuno
|
Ang linbangan ko, ang pagbabasa ng aklat ay nakatutulong upang tumalas ang aking pag-iisip.
|
Pariralang Pawatas - Ito ay pagsasama ng pawatas na pandiwa (may panlapi) at ng layon nito.
Hal: pumasok ng klase, maglaba ng damit, kumain ng saging, mangolekta ng buwis
Simuno
|
Ang magtayo ng negosyo sa paaralan ngayon ay lubhang napakahirap.
|
Kaganapang Pansimuno
|
Ang pangarap ng bunsong anak ay magtapos ng kursong Edukasyon.
|
Pamuno
|
Ang kanyang hanapbuhay, ang magtinda ng isda ay kanyang ipinagmamalaki.
|
Panuring
|
Ang nagsasalita na mag-aaral ng Pisika ay kilala ko.
|
Peripheral Clause
Sugnay – lipon ng mga salita na may simuno at panaguri na maaaring may buong diwa o di-buo ang diwa.
Uri ng Sugnay
Malayang Sugnay/Punong Sugnay/Sugnay na Makapag-iisa. Makapag-iisa ang sugnay kung sa loob ng pangungusap ay nabuo itong may simuno at panaguri at buo ang diwa. Maari itong gawing buong pangungusap kung alisin sa pangungusap at lalagyan ng bantas.
Hal. Ang ating mga tahanan ay linisan.
Nagluluto na ako ng ulam.
Si Andy ay pupunta sa Maynila.
Di-Malayang Sugnay/Pantulong na Sugnay/Sugnay na di makapag-iisa. Hindi makapag-iisa ang sugnay kung ito ay pinangungunahan ng pangatnig. May paksa at panaguri ngunit hindi buo ang kaisipang ipinahayag.
Hal. Ang ating mga tahanan ay linisan upang di pamugaran ng lamok.
Nagluluto na ako ng ulam nang sila ay dumating.
Si Andy ay pupunta sa Maynila para makita ang kanyang ama.
Gamit ng Sugnay na Di-Makapag-iisa
Pangngalan – Gumaganap ng tungkulin ng isang tunay na pangngalan at gumagamit ng NA at KUNG. Gumaganap bilang tuwirang layon. Tumutukoy ito sa gawa o pangyayari.
Hal. Na matatag ang mga Pilipino ay isang katotohanan.
Ang ipinagtampo ni Ruel ay na hindi ninyo siya isinama.
Nagtatanong si Ruben kung kasali ka sa timpalak talumpatian.
Pang-uri – Naglalarawan o nagbibigay turing sa pangngalan o panghalip.
Hal. Ang kaibigan ko, na isang karpentero, ay tumulong sa paggawa ng nasirang bubong namin.
Ang aking kapatid, na magaling na Doktor, ay napakabait sa mahihirap.
Tayo ay may mga daanan na itinayo ng ating mga inhenyero.
Pang-abay – Naglalarawan o nagbibigay turing sa pandiwa, pang-uri o kapwa pang-abay.
Hal. Gumagamit ako ng kompyuter upang matapos ko agad ang aking proyekto.
Niyakap niya ako nang mahigpit bago kami naghiwalay kahapon.
Uunlad ang ating buhay kung magsisikap tayo sa paghanapbuhay.
Basic Sentence in Filipino
Ang pangungusap ay lipon ng mgasalita na may buong diwa. Ito ay binubuo ng simuno at panaguri.Ito rin ay gumagamit ng ibat-ibang bantas tulad ng tuldok, kuwit, tandang pananong at tandang padamdam depende sa uri ng pangungusap.
- Simuno (Subject) – ang pinag-uusapan sa loob ng pangungusap
- Panaguri (Predicate) – naglalarawan o nagbibigay impormasyon sa simuno o paksa
Ayos ng Pangungusap
Karaniwang Ayos ng Pangungusap - Ito ay ang ayos ng pangungusap na kadalasang ginagamit natin lalo na sa mga pasalitang Gawain. Nauuna ang panaguri o ang bahagi nito sa simuno ng pangungusap.
Punung-puno ng iba’t ibang damdamin / ang musika.
Nangangahulugang Orihinal Pilipino Music / ang OPM.
Di-Karaniwang Ayos ng Pangungusap - Ito ang ayos ng pangungusap na nauuna ang simuno sa panaguri ng pangungusap. Ang panandang “ay” ay kadalasang makikita sa mga pangungusap na nasa di karaniwang ayos.
Ang musika / ay punung-puno ng damdamin.
Ang OPM / ay nangangahulugang Original Pilipino Music.
Uri ng Pangungusap Ayon sa Gamit
Paturol o Pasalaysay – uri ng pangungusap na ginagamit sa pagsasaad ng isang pahayag. Gumagamit ito ng bantas na tuldok (.).
Ang mundo ay umiikot sa sarili nitong axis.
Ang daigdig ay ang tanging planetang may buhay.
Patanong – uri ng pangungusap na pagsasaad ng isang tanong at ginagamit sa sa pagtatanong. Gumagamiit ito ng bantas na tandang pananong (?).
Saan-saan matatagpuan ang magagandang tanawin ng Pilipinas?
Kailan ang huling pagsusulit para sa kasalukuyang semester?
Pautos o Pakiusap – uri ng pangungusap na ginagamit sa pagpapagawa o pakikiusap na ipagawa ang isang bagay. Gumagamit ng bantas na tuldok (.).
Pautos: Mag-aral kang mabuti.
Pakiusap: Pakibigay mo naman ito sa iyong guro.
Maari bang iabot mo ang aklat na iyan?
Padamdam – uri ng pangungusap na ginagamit sa pagpapahayag ng matinding damdamin sa pagpapahayag ng matinding damdamin tulad ng tuwa, galit, gulat, poot, sakit at iba pa. Gumagamit ito ng bantas na tandang padamdam (!).
Ay! Tama pala ang sagot ko.
Yehey! Wala na namang pasok.
Uri ng Pangungusap Ayon sa Kayarian
Payak – nagpapahayag ng isang kaisipan lamang.
- Mahal na mahal ko ang aking kasintahan.
Tambalan - Nagpapahayag ng dalawang magkaugnay na kaisipan
- Pumunta kami sa Mall of Asia at nakita naming lahat si Piolo Pascual.
Hugnayan – Binubuo ng sugnay na nakapag-iisa at isa o higit pang pantulong na sugnay na hindi nakapag-iiaa.
- Magpapakasal kami kung magkakaroon lang ng sapat nap era.
Langkapan – Binubuo ng dalawa o higit pang sugnay na nakapag-iisa at isa o higit pang pantulong na sugnay.
- Magiging masaya rin kami at mamgkakaroon ng pamilya kung hihintayin ko lamang ang tamang panahon.
Uri ng Pangungusap na Walang Tiyak na Paksa
Eksistensiyal – naghahayag ito ng pagkakaroon o pagkawala ng isa o higit pang tao, bagay, at iba pa. Nasa unahan ng pangungusap ang mga salitang MAY, MAYROON, o WALA.
- May mga pagkain pang natira.
- Mayroong darating ngayon.
- Wala nang magagawa pa.
Pahanga – Ito ay nagpapahayag ng matinding damdamin ng paghanga.
- Kay lamig ng hangin sa Baguio!
- Ang galing mo!
- Wow, ang tapang mo!
- Kakaiba talaga!
Sambitla – mga iisahin o dadalawahing pantig na nagpapahayag ng matinding damdamin.
- Ay!
- Aray!
- Naku!
Pamanahon/Penomenal – nagpapahiwatig ng panahon dulot ng kalikasan
- Maalinsangan ngayon.
- Napakainit!
- Umulan kanina.
- Umaaraw.
Pormulasyong panlipunan – ito ay mga pagbati, pagbibigay-galang at iba pa na nakagawian na sa Wikang Filipino.
- Mano po.
- Salamat po.
- Magandang araw.
- Tabi-tabi po.
Modal – Nangangahulugan ng gusto/nais/ibig.
- Nais kong makapag-aral.
- Gusto kong mahiga.
Panagot-panlunan – nagsasaad ng ginaganapan ng kilos
- Nasa Recto.
- Nasa amin.
- Sa parke.
Pautos – nagsasaad ng pag-utos
- Dalian mo.
- Sige pa.
- Alis.
Pagyaya – nagsasaad ng pagyaya
- Tayo na.
- Halika na.
Ka-Pandiwa – nagsasaad ng katatapos na kilos.
- Kaaalis lang niya.
- Kakakain ko lang.
- Kakagising ko lang.
Panawag – panawag na pangkamag-anak.
- Hoy!
- Psst!
- Tena!
- Manang!
Pananong – ito ay ang pagtatanong
- Ano?
- Bakit?
Temporal – nagsasaad ng kalagayang pansamantala o panahunan lamang (maaaring oras o okasyon).
- Abril na.
- Bagong taon na.
- Araw na naman ng mga puso.
- Alas-otso na ng gabi.