Ang Kalakalang Panlabas ng Pilipinas


Upang maunawaan ang takbo ng kalakalang panlabas ng isang bansa ay sinusuri ang tinatawag nating balance of payment (BOP),na siyang nagsisilbing sukatan ng pandaigdigang gawaing pang-ekonomiya ng isang bansa. Ito rin ang nagpapakita ng talaan ng transaksiyon ng isang bansa sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Samantala, ang balance of trade (BOT)naman ay makukuha sa pamamagitan ng pagbabawas ng halaga ng kalakal na inaangkat (import) sa halaga ng kalakal na iniluluwas (export).

Kaugnay nito, sa paglipas ng panahon, patuloy na lumalawak ang pakikipagugnayan ng ating bansa sa larangan ng kalakalan. Ayon sa June 2014 na ulat na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA)o dating kilala bilang National Statistics Office (NSO), tumaas ng 21.3% ang kabuuang kita ng Pilipinas mula sa pagluluwas (export) ng mga produkto. Batay sa June 2014 tayo ay kumita ng $5.444 bilyong dolyar kumpara sa $4.490 bilyong dolyar na kinita ng bansa noong June 2013. Ang talahanayan sa ibaba ay nagpapakita ng kabuuang datos tungkol sa ating pagluluwas (export).

June

2014 p
2013 r
TOTAL EXPORTS
   FOB Value in Million
        US Dollars
     Year-on-Year Growth
(Percent) 
Electronic Products
     FOB Value in Million
          US Dollars
     Year-on-Year Growth
( Percent )
5,444.41
21.3

2,220.56
10.7
4,490.20
    4.1  

2,006.19
     - 2.2


Merchandise Exports Performance of the Philippines as of June 2014

Ayon sa PSA, ang itinuturong kadahilanan ng pagtaas na ito ay dulot ng paglaki at pagbuti ng kita ng bansa sa walong uri ng produktong iniluluwas. Ang mga produktong nagrehistro ng malaking antas ng paglago ng kita sa pagluluwas ay ang machinery and transport equipment, bananas (fresh), other mineral products, other manufactures, articles of apparel and clothing accessories, ignition wiring set and other wiring sets used in vehicles, aircrafts and ships, at electronic products and chemicals. Tanging ang cathodes and sections of cathodes at refined copper ang bumuo sa sampung nangungunang produktong panluwas ng Pilipinas (Top 10 Exporting Products of the Philippines). Subalit, ang dalawang huling nabanggit na produkto ay walang naitalang ulat noong Hunyo 2013 kung kaya’t hindi malaman ang naging growth rate nito. Ang talahanayan sa ibaba ang magpapakita ng kompletong Top 10 Exporting Products of the Philippines as of June 2014.
Top 10 Philippine Export to All Countries: June 2014 p
( Year-on-Year Growth in Percent )
Gainers
Losers
Machinery & Transport Equipment
120.4
Woodcrafts and
Furniture
-9.9
Bananas (Fresh)
98.9


Other Mineral Products
74.2


Other Manufactures
67.8


Articles of Apparel and Clothing
Accessories
44.5


Ignition Wiring Set and Other Wiring Sets
Used in Vehicles, Aircrafts and Ships
32.5


Electronic Products
10.7


Chemicals
0.1


Cathodes & Sections of Cathodes, of
Refined Copper
a/


p-preliminary, r-revised,a/ - growth rate not computed, with zero value in June 2013


Batay sa talahanayan, ayon sa PSA, ang electronics products ang siyang nangungunang produktong panluwas ng Pilipinas na nagrehistro ng $2.221 bilyon. Ito ay bumuo sa 40.8% ng kabuuang kita ng Pilipinas mula sa pagluluwas (export). Ito ay nagtala ng 10.7% na bahagdan mula sa kabuuang $2.006 bilyon noong June 2013.

Samantala, ang other manufactures ang pumangalawa na may pinakalamalaking kita noong June 2014. Ito ay may kabuuang halagang $537.67 milyon na may pagtaas ng 67.8% mula sa dating $321.00 milyon noong June 2013. Ang machinery and transport equipment, naman ang pumangatlo na nagtala ng 7.2% sa kabuuang kita ng bansa. Ito ay may kabuuang halaga na $390.83 milyong dolyar at nakapagtala ng 120.4% kung ihahambing sa $177.37 milyong dolyar noong June 2013. Pumangapat naman ang other mineral products na may kitang $321.31 milyon. Ito ay nagambag ng 5.9% sa kabuuang kita ng bansa at nagtala ng 74.2% ng pagtaas mula sa $184.47 milyong dolyar noong June 2013. At ang woodcrafts and furnitures ang siyang panglima na may kinita na $253.41 milyon o kabuuang ambag na 4.7% sa kita ng pagluluwas ng bansa. Subalit, ito ay nagtala ng kabuuang -9.9% ng pagbaba kung ihahambing sa nakaraang June 2013 na $281.12 milyon.
Previous
Previous

Ang Ugnayan ng Pilipinas sa mga Samahang Pandaigdig: WTO; APEC, ASEAN

Next
Next

Ang Prinsipyo ng Kalakalang Panlabas