Sama-Samang Pagkilos para sa Pambansang Kaunlaran
Hindi uunlad ang isang bansa
kung hindi tutulong ang kaniyang mga mamamayan. Bawat isa ay may
gampanin sa
pag-unlad ng bansa. Maaaring ang pagbibigay ng kontribusyon sa pag-unlad ng
bansa ay sa pamamagitan ng pansariling pagsisikap o sama-samang pagtutulungan.
Ang paglaya sa kakapusan ng bawat isa ay isang paraan na maaaring gawin ng
isang indibidwal sa pamamagitan ng matalinong pamamahala ng pananalapi.
Kailangan ng sama-samang pagkilos ng lahat ng mamamayan. Maaaring gawin ang
sumusunod bilang ilan sa mga estratehiya na makatutulong sa pag-unlad ng bansa:MAPANAGUTAN
1. Tamang pagbabayad ng buwis. Ang
pagkakaroon ng kultura ng tamang pagbabayad ng buwis ay makakatulong upang
magkaroon ang pamahalaan ng sapat na halagang magagamit sa mga serbisyong
panlipunan tulad ng libreng edukasyon, murang
programang pangkalusugan, at iba
pa.
2.
Makialam. Ang mali ay labanan, ang tama
ay ipaglaban. Paglaban sa anomalya at korapsyon maliit man o malaki sa lahat ng
aspekto ng lipunan at pamamahala. Mahalagang itaguyod ng mga mamamayan ang
kultura ng pagiging tapat sa pribado at publikong buhay. Hindi
katanggap-tanggap ang pananahimik at pagsasawalang-kibo ng mamamayan sa mga
maling nagaganap sa loob ng bahay, sa komunidad, sa paaralan, pamahalaan, at sa
trabaho.

trabaho.MAABILIDAD
1. Bumuo o sumali sa kooperatiba. Ang
pagiging kasapi ng kooperatiba ay isang paraan upang magkaroon ng pagkakataon
ang bawat isa na maging kasapi sa paglikha ng yaman ng bansa. Ang kooperatiba
ay ang pagsasama-sama ng puhunan ng mga kasapi upang magtayo ng negosyo na ang
makikinabang at tatangkilik ay mga kasapi rin. Ang kanilang kita ay sa
pamamagitan ng pagkakaroon ng dibidendo o hati sa kita batay sa bahagi sa
kooperatiba. Ang nagpapatakbo ng kooperatiba ay mga kasapi ring naniniwala sa
sama-samang pag-unlad.
2. Pagnenegosyo. Hindi dapat manatiling
manggagawa lamang ang Pilipino. Dapat nating sikapin na maging negosyante upang
tunay na kontrolado ng Pilipino ang kabuhayan ng bansa at hindi ng mga dayuhan.
MAKABANSA
1. Pakikilahok sa pamamahala ng bansa. Ang
aktibong pakikilahok sa pamamahala ng barangay, gobyernong lokal, at pambansang
pamahalaan upang maisulong ang mga adhikain at pangangailangan ng mga Pilipino
ay kailangang gawin ng bawat mamamayan upang umunlad ang bansa.
2. Pagtangkilik sa mga produktong Pilipino. Ang
yaman ng bansa ay nawawala tuwing tinatangkilik natin ang dayuhang produkto.
Dapat nating tangkilikin ang mga produktong Pilipino.
MAALAM
1. Tamang pagboto. Ugaliing pag-aralan ang
mga programang pangkaunlaran ng mga kandidato bago pumili ng iboboto. Dapat din
nating suriin ang mga isyung pangkaunlaran ng ating bansa upang masuri kung
sinong kandidato ang may malalim na kabatiran sa mga ito.
2. Pagpapatupad at pakikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran sa komunidad. Ang pag-unlad ay hindi magaganap kung ang pamahalaan lamang ang kikilos. Maaaring manguna ang mga mamamayan sa pagbuo at pagpapatupad ng mga programang pangkaunlaran. Dapat ay magkaroon tayo ng malasakit sa ating komunidad upang makabuo at makapagpatupad ng mga proyektong magpapaunlad sa ating komunidad.