Mga Palatandaan ng Pag-unlad at Pagsulong
Ang pagpasok ng mga dayuhang mamumuhunan ay nakapagtataguyod ng mas mabilis na
paglago at pagsulong ng ating ekonomiya. Subalit, laganap pa rin ang kahirapan, kawalan ng sapat na edukasyon, at patuloy na pagbaba ng antas ng kalusugan sa mga nasabing papaunlad na bansa.
Maliban sa mga mamumuhunan, malaki rin ang naitulong ng mga likas na yaman tulad ng langis sa pagsulong ng ekonomiya ng isang bansa. Karamihan ng mga bansa sa Gitnang Silangan tulad ng UAE, Qatar, at Saudi Arabia ay nagtamo ng mabilis na paglago ng ekonomiya dala ng kanilang kita mula sa langis ayon na rin sa ulat ng International Monetary Fund noong 2013. Nakapagpatayo sila ng maraming gusali at imprastraktura na talaga namang nakatulong sa pag-unlad ng mga nasabing bansa. Bunga nito, nakapag-angkat sila
ng mga makabagong teknolohiya, magagaling na manggagawa, at mga dekalidad na hilaw na materyales mula sa ibang bansa.
Bukod pa sa mga likas na yaman, may iba pang mga salik na maaaring makatulong sa pagsulong ng ekonomiya ng isang bansa. Sa librong Economics, Concepts and Choices (2008) nina Sally Meek, John Morton at Mark Schug, inisa- isa nila ang mga ito.
1. Likas na Yaman. Malaki ang naitutulong ng mga likas na yaman sa pagsulong ng ekonomiya lalong-lalo na ang mga yamang-lupa, tubig, kagubatan, at mineral. Subalit hindi kasiguraduhan ang mga likas na yaman sa mabilis na pagsulong ng isang bansa.
2. Yamang-Tao. Isa ring mahalagang salik na tinitingnan sa pagsulong ng ekonomiya ang lakas-paggawa. Mas maraming output ang nalilikha sa isang bansa kung maalam at may kakayahan ng mga manggagawa nito.
3. Kapital. Sinasabing lubhang mahalaga ang kapital sa pagpapalago ng
ekonomiya ng isang bansa. Sa tulong ng mga kapital tulad ng mga makina sa mga pagawaan ay nakalilikha ng mas maraming produkto at serbisyo.
4. Teknolohiya at Inobasyon. Sa pamamagitan ng mga salik na ito, nagagamit nang mas episyente ang iba pang pinagkukunang-yaman upang mas maparami pa ang mga nalilikhang produkto at serbisyo.
paglago at pagsulong ng ating ekonomiya. Subalit, laganap pa rin ang kahirapan, kawalan ng sapat na edukasyon, at patuloy na pagbaba ng antas ng kalusugan sa mga nasabing papaunlad na bansa.
Maliban sa mga mamumuhunan, malaki rin ang naitulong ng mga likas na yaman tulad ng langis sa pagsulong ng ekonomiya ng isang bansa. Karamihan ng mga bansa sa Gitnang Silangan tulad ng UAE, Qatar, at Saudi Arabia ay nagtamo ng mabilis na paglago ng ekonomiya dala ng kanilang kita mula sa langis ayon na rin sa ulat ng International Monetary Fund noong 2013. Nakapagpatayo sila ng maraming gusali at imprastraktura na talaga namang nakatulong sa pag-unlad ng mga nasabing bansa. Bunga nito, nakapag-angkat sila
ng mga makabagong teknolohiya, magagaling na manggagawa, at mga dekalidad na hilaw na materyales mula sa ibang bansa.
Bukod pa sa mga likas na yaman, may iba pang mga salik na maaaring makatulong sa pagsulong ng ekonomiya ng isang bansa. Sa librong Economics, Concepts and Choices (2008) nina Sally Meek, John Morton at Mark Schug, inisa- isa nila ang mga ito.
1. Likas na Yaman. Malaki ang naitutulong ng mga likas na yaman sa pagsulong ng ekonomiya lalong-lalo na ang mga yamang-lupa, tubig, kagubatan, at mineral. Subalit hindi kasiguraduhan ang mga likas na yaman sa mabilis na pagsulong ng isang bansa.
2. Yamang-Tao. Isa ring mahalagang salik na tinitingnan sa pagsulong ng ekonomiya ang lakas-paggawa. Mas maraming output ang nalilikha sa isang bansa kung maalam at may kakayahan ng mga manggagawa nito.
3. Kapital. Sinasabing lubhang mahalaga ang kapital sa pagpapalago ng
ekonomiya ng isang bansa. Sa tulong ng mga kapital tulad ng mga makina sa mga pagawaan ay nakalilikha ng mas maraming produkto at serbisyo. 4. Teknolohiya at Inobasyon. Sa pamamagitan ng mga salik na ito, nagagamit nang mas episyente ang iba pang pinagkukunang-yaman upang mas maparami pa ang mga nalilikhang produkto at serbisyo.
