Human Development Index

 Maliban sa paggamit ng GDP at GNP, ginagamit ang Human Development Index bilang isa sa mga at kapanganakan. Ipinapahiwatig dito ang bilang ng taon na inaasahang itatagal ng isang sanggol kung ang mga umiiiral na dahilan o sanhi ng kamatayan sa panahon ng kaniyang kapanganakan ay mananatili habang siya ay nabubuhay. Sa aspekto naman ng edukasyon, ang mean years of schooling at expected years of schooling ang mga ginagamit na pananda. Ang mean years of schooling ay tinataya ng United Nation Educational,Scientific, and Cultural Organization (UNESCO) batay sa mga datos mula sa mga sarbey at sensus ukol sa antas ng pinag- aralan ng mga mamamayan na may 25 taong gulang. Samantala, ang expected years of schooling naman ay natataya base sa bilang ng mga nag-aaral sa
lahat ng antas ng edukasyon. Itinakda ang 18 taon bilang expected years of schooling ng UNESCO. Ang aspekto ng antas ng pamumuhay ay nasusukat gamit ang gross national income per capita.
panukat sa antas ng pag-unlad ng isang bansa. Ang Human Development Index (HDI) ay tumutukoy sa pangkalahatang sukat ng kakayahan ng isang bansa na matugunan ang mahahalagang aspekto ng kaunlarang pantao: kalusugan, edukasyon at antas ng pamumuhay. Sa pagsukat ng aspektong pangkalusugan, ginagamit na pananda ang haba ng buhay
Previous
Previous

Human Development Index, kahalagahan nito

Next
Next

Pag-unlad