PARAAN NG PAGTUGON/ KALUTASAN SA MGA SULIRANING DULOT NG KAKULANGAN (SHORTAGE) AT KALABISAN (SURPLUS)

Matatandaan natin na kapag ang presyo sa pamilihan ay mas mataas kaysa
presyong ekwilibriyo, magkakaroon ng surplus ng mga produkto o serbisyo. Kapag
ang presyo sa pamilihan ay mas mababa kaysa presyong ekwilibriyo, magkakaroon
ng shortage ng mga ito.

Sa market schedule para sa kendi, mapapansin natin na kapag may shortage
ang presyo ay tumataas. Ang quantity demanded ay bumababa habang ang presyo sa
pamilihan ay tumataas, ang quantity supplied ay tataas din dahil ang mga prodyuser
ay nagaganyak na lumikha ng mas maraming produkto. Maaari ding subukan ng
mga prodyuser na dagdagan ang quantity supplied upang matugunan ang quantity
demanded sa mababang presyo. Sa kabilang banda, kapag maraming surplus ng

kendi bumababa ang presyo nito. Kapag ang presyo sa pamilihan ay bumaba, ang
quantity demanded ay tataas.Maaari din namang bawasan ng mga prodyuser ang
dami ng kanilang produkto at iayon ang mga ito sa quantity demanded na handa at
kayang bilhin ng konsyumer sa mataas na halaga.
Kung gayon, kahit na ang presyo ng isang produkto at serbisyo ay magsimula
sa mataas o mababang halaga, ang mga kilos o gawi ng konsyumer at prodyuser
ang kusang nagtutulak sa presyo sa pamilihan tungo sa kaniyang ekwilibriyo. Kapag
narating na ng pamilihan ang puntong ekwilibriyo, ipinagpapalagay na parehong
nasiyahan ang bahay-kalakal at konsyumer. Kung gaano kabilis naaabot ng isang
pamilihan ang ekwilibriyo ay nakabatay rin sa kung gaano kabilis mag- adjust ang
presyo nito. (Mankiw, 2012)

Karamihan ng presyo sa maraming pamilihan ay malayang tumaas o bumaba
sa kaniyang puntong ekwilibriyo, gaano man kataas o kababa ang halaga nito.
Subalit, maaaring manghimasok ang pamahalaan kapag nakita nitong ang presyo
ay labis na mataas para sa konsyumer o labis na mababa para sa mga prodyuser.
Maaaring magpataw ang pamahalaan ng kung gaano kataas o kababa ang presyo ng
mga produktong maapektuhan nito (McConnell, Brue & Flynn, 2009). Tatalakayin ang
kabuuan ng paksang ito sa mga susunod na aralin.
Previous
Previous

ANG KONSEPTO NG PAMILIHAN

Next
Next

ANG EKWILIBRIYO SA PAMILIHAN