Matalinong Pagpapasya sa Pagtugon sa mga Pagbabago ng mga Salik na Nakaaapekto sa Supply

1. Ang pagtaas ng gastusin sa produksiyon ay nagreresulta sa pagtaas ng presyo ng
produkto. Hahantong naman ito sa pagbaba ng demand. Ang pagtaas ng gastos
ng produksiyon ay matutugunan sa pamamagitan ng efficient na pamamaraan. Ibig
sabihin sa kakaunting salik na gagamitin ay makabubuo ng maraming produkto.

2. Ang pagpasok sa negosyo ay malaking pakikipagsapalaran. Upang maging
matagumpay, kailangang pagtuunan ng masusing pag-aaral ang pamamalakad
nito. Malaki ang maitutulong ng paghingi ng payo sa mga eksperto upang maging
matatag ang negosyo.

3. Ang pagkakaroon ng sapat na kahandaan sa anumang balakid sa negosyo ay
napakahalaga. Dapat maging handa sa anumang inaasahang balakid tulad
ng natural na kalamidad at krisis sa ekonomiya upang hindi maapektuhan ang produksyon.


4. Iwasan ang pagsasamantala lalo na sa panahon ng kagipitan o kakulangan. Ito
ay lalo lamang magpapalala ng sitwasyon. Dapat isipin ng mga negosyante ang
kapakanan ng nakararami lalo na ng mga konsyumer na hindi kayang abutin ang
mataas na presyo.
Previous
Previous

ANG EKWILIBRIYO SA PAMILIHAN

Next
Next

Ang Paglipat ng Supply Curve o Shifting of the Supply Curve