Mga Salik na Nakaaapekto sa Supply. Araling Panlipunan 9

Mga salik na dapat suriin, dahil itoy derektang nakakaapekto sa demand at supply.

Maliban sa presyo, may iba pang salik na nakaaapekto sa supply. Ang pagsusuri ng mga salik na ito ay mahalagang malaman upang higit na maging matalino sa paggawa ng desisyon ang mga prodyuser.

(1) Pagbabago sa Teknolohiya
 Karaniwan na ang modernong teknolohiya ay nakatutulong sa mga prodyuser
na makabuo ng mas maraming supply ng produkto. Dahil dito, maaaring bumaba
ang halaga ng produksiyon na lalong hihikayat sa mga prodyuser na dagdagan
ang kanilang supply.

(2) Pagbabago sa Halaga ng mga Salik Produksiyon
Ang paggawa ng produkto ay nangangailangan ng iba’t ibang salik gaya
ng lupa, paggawa, kapital, at entrepreneurship. Sa bawat pagtaas ng presyo
ng alinmang salik, mangangahulugan ito ng pagtaas sa kabuuang gastos ng
produksiyon kaya maaaring bumaba ang dami ng mga produkto o serbisyo na
handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser. Sa kabilang banda, ang pagbaba ng
presyo ng alinmang salik ay magdudulot din ng pagbaba ng kabuuang gastos sa
produksiyon kaya’t inaasahan ang pagdami ng supply.



(3) Pagbabago sa Bilang ng mga nagtitinda
Ang salik na ito ay maihahalintulad din sa bandwagon effect sa demand. Kung
ano ang mga nauusong produkto ay nahihikayat ang mga prodyuser ng mag
prodyus at magtinda nito. Halimbawa, dahil nauuso ang pagtitinda ng siomao,
milkshake at toasted siopao, mas marami ang nahihikayat na magtinda ng
kaparehong produkto.

(4) Pagbabago sa Presyo ng kaugnay na produkto
Ang mga pagbabago sa presyo ng isang produkto ay nakaaapekto sa quantity
supplied ng mga produktong kaugnay nito. Halimbawa, ang magsasaka ay
nagtatanim ng palay at mais. Sa panahon na mas mataas ang presyo ng mais,
magaganyak siyang gamitin ang kabuuang lupa bilang taniman ng mais. Ito ay
magdudulot ng pagbaba sa supply ng bigas at pagtaas ng supply ng mais.

(5) Ekspektasyon ng Presyo
Kung inaasahan ng mga prodyuser na tataas ang presyo ng kanilang produkto
sa madaling panahon, may mga magtatago ng produkto upang maibenta ito sa
mas mataas na presyo sa hinaharap. Ang kondisyong ito ay tinatawag na hoarding
na nagbubunga ng pagbaba ng supply sa pamilihan.
Halimbawa, may paparating na bagyo na tatama sa Gitnang Luzon na isa sa
mga pinagmumulan ng supply ng bigas sa bansa. May ilang mapagsamantalang
negosyante na magtatago ng kanilang supply dahil sa inaasahang pagtaas sa
presyo ng produkto. Kapag nangyari na ang inaasahang pagtaas ng presyo ng
bigas, muli nilang ilalabas sa pamilihan ang mga itinagong bigas.
Previous
Previous

Ang Paglipat ng Supply Curve o Shifting of the Supply Curve

Next
Next

ANG KONSEPTO NG SUPPLY