Ano ang Mga Anyong Lupa at Anyong Tubig. Araling Panlipunan 8
Tinatawag na topograpiya ang pisikal na katangian ng isang lugar o
rehiyon. Sa pagdaan ng panahon, ang mga tao ay natutong makiangkop sa kanilang kapaligiran.
Sa kasaysayan ng sangkatauhan, ang mga kauna-unahang kabihasnan
ng daigdig ay umusbong malapit sa mga lambak-ilog. Kabilang dito ang mga lambak ng Tigris-Euphrates, Indus, Huang Ho sa Asya, at lambak-ilog ng Nile sa
Africa.
Ang mga bulubunduking lugar ay kadalasang nagtataglay lamang ng
maliit na populasyon. Kapansin-pansing ang pinakamataas na bundok sa buong
daigdig ay matatagpuan sa Asya, tulad ng Everest (29,028 talampakan o 8,848
metro). Sa Africa, pinakamataas ang Kilimanjaro (19,340 talampakan o 5,895
metro) at sa Europe, ang Elbrus sa Russia (18,510 talampakan o 5,642 metro).
Matatagpuan sa mga karagatan ang ilang pinakamalalim na bahagi ng
daigdig, pangunahin sa talaan ang Challenger Deep sa Mariana Trench na nasa
kanlurang bahagi ng Pacific Ocean. Iba pang malalim na trench Puerto Rico
Trench sa Atlantic Ocean, Java Trench sa Indian Ocean, at Eurasia Basin sa
Arctic Ocean.
Marami pang dagat na matatagpuan sa daigdig na kadalasang bahagyang
napaliligiran ng mga lupain. Pinakamalalaking dagat sa daigdig ang South China
Sea, Caribbean Sea, at Mediterranean Sea.