Ano ang mga Batas na Nangangalaga sa Kapakanan ng mga Mamimili. Araling Panlipunan 9
Nakatakda sa Republic Act 7394 (Consumer Act of the Philippines) ang
kalipunan ng mga patakarang nagbibigay ng proteksiyon at nangangalaga sa interes
ng mga mamimili. Isinusulong din ng batas na ito ang kagalingang dapat makamit ng
lahat ng mamimili. Itinatadhana ng batas na ito ang mga pamantayang dapat sundin
sa pagsasagawa at operasyon ng mga negosyo at industriya. Ang sumusunod ang
binibigyang-pansin ng batas na ito:
a. Kaligtasan at proteksiyon ng mga mamimili laban sa panganib sa kalusugan
at kaligtasan.
b. Proteksiyon laban sa mapanlinlang at hindi makatarungang gawaing may
kaugnayan sa operasyon ng mga negosyo at industriya.
c. Pagkakataong madinig ang reklamo at hinaing ng mga mamimili.
d. Representasyon ng kinatawan ng mga samahan ng mamimili sa pagbalangkas
at pagbuo ng mga patakarang pangkabuhayan at panlipunan.