Kahulugan ng Pamilihan
Ang pamilihan ay isang kaayusan kung saan nagkakaroon ng interaksiyon ang mga mamimili at nagtitinda upang magpalitan ng iba't ibang bagay. May pamilihan dahil walang sinuman ang may kayang tugunan ang lahat ng kanyang pangangailangan. Maaaring hindi ikaw ang nagtanim ng halamang pinagkukunan ng hiblang ginagamit upang mabuo ang damit na suot mo ngayon. Sa halip, binili mo ito sa tindahan ng damit na isang halimbawa ng pamilihan, nakakamit ng tao ang mga bagay na nais niya.Sa halip na maging self-sufficient, ang bawat tao ay gumagawa ng isa o ilang produkto lamang. Ang nars ay dalubhasa sa pag-aalaga ng may sakit. Ang panadero ay dalubhasa sa paggawa ng tinapay. Gayundin naman ang magsasaka ay dalubhasa sa produksiyon ng produktong agrikultura.