PANGANGAILANGAN AT KAGUSTUHAN, and kanilang pagkakaiba

Ang tao ay may kailangan at kagustuhan na kailangan niyang matugunan. Ang pagkain, damit, at tirahan ay
tinatawag na batayang pangangailangan (basic needs) sapagkat hindi maaaring mabuhay ang tao kung wala ang mga ito.
READ: What to consider in choosing career.
Subalit hindi sapat na ang tao ay makakain ng tatlong beses sa isang araw, makapagdamit, at may matirahan. Hangad niya na mabuhay nang maayos at maginhawa. Ang paghahangad ng mga bagay na higit pa sa batayang pangangailangan ay tinatawag na kagustuhan. Ito ay mga bagay na maaaring wala ang isang tao subalit sa kabila nito ay maaari pa rin siyang mabuhay. Hinahangad ito ng tao sapagkat ito ay nagbibigay sa kanya ng kaginhawaan, kasiyahan, pag-angat ng
katayuan sa lipunan, at karangalan. Halimbawa, ang paghahangad ng signature clothes upang makasabay sa uso. Ang mga kagamitan sa bahay tulad ng television, oven, refregirator, at washing machine ay hinahangad upang mapadali ang Gawain sa bahay at magbigay ng ginhawa at kasiyahan sa buhay.
Previous
Previous

Dep Ed Accountancy, Business and Management Strand Suggested Scheduling of Subjects

Next
Next

Dep Ed Physical Education and Health